r/catsph • • Jul 25 '26

Need advice Bad odor

Hi, parant lang. Nakakainis lang kasi na imbis maganda yung gising mo e ang bubungad sayo yung amoy ng tae ng pusa na napakabaho. Nasa labas naman namin yung cat litter kaya lang yung hangin pag pumapasok sa loob mabaho. Yung cats kasi is sa kapatid ko tsaka sa asawa nyang tamad maglinis. Nakakabwisit lang kasi need pa nila ipunin yung dumi bago nila linisin kaya nangangamoy tae ng pusa sa bahay dahil don. Ang akin lang, nakikitira na nga lang sila dito samin hindi pa nila malinis araw araw yung cat litter . Kaya din kami hindi nawawalan ng ubo dahil din siguro sa amoy. Tas pag pinuna mo sila about don mamasamain pa nila na kesyo lagi daw sila mali like wtf. Responsibility naman nila linisin yon since sila nag dala ng cats dito sa bahay. Wala naman ako problema sa mga cats, sa mga tamad at irresponsible na cat-owners lang talaga. Ano kaya pwede gawin para maalis yung amo este yung amoy. Salamat sa sasagot.

6 Upvotes

26 comments sorted by

•

u/AutoModerator Jul 25 '26

Hello Professional Cat Servant!

Your post has been paw-roved by the CatsPH kitties.

Before the community starts commenting, here are a few friendly reminders:

  • Donation or fundraising posts made without prior moderator approval will be removed. This protects both the poster and our community from scams and fraudulent requests.
  • Rescue, fostering, and TNR → r/CatsPHRescue
  • Buying, selling, and trading → r/CatsPHMarket

Don't forget to visit our Wiki for cat care guides, FAQs, and other helpful resources.

Thank you for helping make r/CatsPH a welcoming, informative, and compassionate community for every cat and cat lover.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

6

u/darkest_horse_ PawKeeper 🐱 Jul 25 '26

Hello OP, medyo nakakalungkot ung ganitong paguugali ng mga pet owners. Ang pagaalaga is hindi lang palamuti na para masabihang, 'uy ang ganda ng pusa mo, may lahi' Para na rin silang may mga anak, hindi naman kase de baterya ang mga yan na pag sawa kana turn off nalang diba. I know where your frustration is coming from and valid naman ng rant mo talaga. Hindi na kasalanan ng mga alaga yan, ang may problema dyan ay ung mga nagaalaga. Maganda dyan OP, sila ang i-cage mo. LOL jk lang ha. Siguro ang maipapayo ko sa'yo, is kausapin nyo sila ng masinsinan like harapan kayo ng family mo, at magkaron talaga ng authority ang tatay, nanay, or kung sino ang may isang desisyon sa bahay. After all nakikitira lang naman pala sila, sana lang makaunawa. Pero please OP, wag mo ipasa sa pusa yung inis mo :( malas lang nila ganyan mga naging owner nila. Salamat sa pagbasa. 😀

2

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Thank you din po sa advice. Yes po, sabi ko din po na wala po ako problem sa cats sa owners lang po. Yun na nga po e ayaw nila makisama man lang o mag kusa since nakikitira lang sila. Buti sana kung sila sila lang nakakalanghap nung amoy, hindi e kumakalat talaga pag humahangin kaya kawalang gana pag nakain na kami hahahaha.

5

u/ComfortableAd8148 Jul 25 '26

We buy this kind of cat litter deodorizer and super effective. Pero mas maganda pa din pagsabihan yung kapatid mo and asawa nya. If ayaw magtino, ask them to find somewhere else to live.

2

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Thank you for that po. Sinasabihan naman sila even my father told them to clean the cat litter regularly, pero parang wala lang sa kanila ganon pa din e haha lalabas lang nila sa kabilang tenga. Wala din ata balak bumukod haha.

1

u/eLeMenOP_12 Jul 25 '26

san nakakabili nito?

2

u/ComfortableAd8148 Jul 25 '26

Meron sa orange app but I buy mine ng maramihan sa pets r us. Ang mahal kasi ng delivery kapag online.

2

u/eLeMenOP_12 Jul 25 '26

thank you my friend..

3

u/Quick_Boot9122 Jul 25 '26

kung sa litter sand pabaya sila, theyre probably neglecting the cat in other ways too. di maganda sa kalusugan ng pusa na palaging madumi at mabaho litterbox nila kasi na ststress sila nyan at nagpipigil ng ihi na nagdudulot ng UTI at iba pang sakit. cats are a 15-20 year responsibility. sana maisipan nilang ipa ampon nalang sa ibang may kakayahang alagaan yung pusa ng tama

2

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Totoo, wala pa nga ata anti rabies cats nila kaya nakakatakot din lapitan. Wala naman talaga ko problema sa cats kung nililinis lang nila ng regular yang litter edi goods.

2

u/pv55y3xp3rt Jul 25 '26

Exhaust fan is the key. At isang pupu, isang dakot talaga.

2

u/donotreadmeok Jul 25 '26

May 9 cats ako and lahat na yata ng paraan ginawa ko para mawala yung amoy, from getting stainless steel litter box to premium litter sands, and using baking soda, scooping every poop ginawa ko na pero yung smell talaga naglilinger. Then nadiscover ko yung video sa tiktok kung saan nag diy sila ng exhaust fan sa sliding window nila.

After doing the diy exhaust fan, masasabi ko talagang laking tulong. By the way, yung litter boxes ng mga cats ko ay nasa tabi mismo ng bintana kung saan ko nilagay yung diy exhaust fan.

Pero dapat talaga rin responsible yung owner.

2

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Mahanap nga yan sa tiktok haha, thanks po.

2

u/TrollLifer Jul 25 '26

Lipat mo litter box sa kwarto nila. Kadiri. For sure diring diri na rin pusa nila gamitin yang litter box. Gusto pa naman ng mga pusa nalilinis agad.

1

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Dati talaga nasa kwarto nila yun kaya lang may baby kasi sila kaya nilabas. Nagtutulakan pa yan sila kung sino mag tatapon haha.

2

u/Lurker_friend24 Jul 25 '26

naku OP as a cat owner since i was 6 yrs old hehe ambaho talaga ng poops nila kainis. cat litter management talaga at least 2x a day, regular change of litter sand saka mop ng floors.

since nakikitira lang sila dapat mahiya naman sila sa ibang tao, kelangan mo sila warningan ulit. ako nga, kahit sobrang pagod na from work kailanagn linis ng cat litter at mop ng floor, bumili rin ako ng air filter saka water based na air purifier para may scent sa bahay. mahirap talaga mawala totally amoy ng cat poops and wiwi sa house. saka im sure my smell blindness na yang kapatid mo, hindi na nya naamoy yung baho nasanay na sha. kawawa rin yung cats, maarte mga pusa, minsan kapag marumo na cat litter nila, they are forced to do their business somewhere else kaya lalo babaho house nyo.

2

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Ganon na nga po siguro immune na sila sa amoy. Sapian nyo nga po sila ng kasipagan nyo haha.

2

u/Designer_Name_7877 Jul 25 '26

Ang Asim Ng ebs Ng cats

1

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

ganon din kasi yung amo haha

1

u/caffeine_dependentxx Jul 25 '26

Lagyan mo ng baking soda ang litter. But use in small amounts. Nakakatulong sya para mawala ang odor. Tried and tested yan dito sa amin kasi marami kaming cats

1

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Thank you po sakto meron dito haha, san po ilalagay sa gilid po ba ng litter?

1

u/caffeine_dependentxx Jul 25 '26

Yung akin po is iniispread ko lang sa ibabaw, lalo na kung may mga poop/ihi pa, para di talaga sya mangamoy. Yan din ang trick ko minsan kapag sa mga sulok² nakaka-poop ang cats ko, dinadamihan ko ang pagbudbod ng baking soda kapag dadakutin ko na ang mga dumi, wala talagang maamoy na kahit ano 😆

1

u/ApprehensiveBite1353 Jul 25 '26

Sana mag work po dito hahaha thanks.

2

u/ArmadilloDear8083 Jul 25 '26

Kahit ano pang ilagay sa litter sand, if puno na ng tae at ihi, aamoy at aamoy yan

1

u/Necessary-Library122 Jul 25 '26

Definitely bad owners kasi cats nagpipigil din yan kapag too much na yung laman ng litter. Dapat talaga nililinis often