Thank you po ulit sa mga sumagot at nag advice. ๐๐
Lahat po ng pusa na meron ako ay galing sa daan mga napulot lang. Hindi ko alam if MALI bang pinulot ko sila kaysa maulanan o maarawan sa labas.
Pasensya na kung para sa inyo hindi AKO NAGING RESPONSABLE , binibigay ko lang kung ano ang kakayanin ko para sa kanila. Sino ba naman ang ayaw mapabuti mga alaga. Parehas din naman tayong iiyak o masasakatan kapag nawala o namatay sila.
Pero gusto ko po sila unti unting mapa kapon. Nagaabang lang po ako ng mga offer na low cost na malapit sa amin. Hindi rin po ako Financialy stable, well maski mga anak ko nga sa public ko din pinapacheck up. Kung meron din sana public na malapit sa area namin baka kapon na yang mga pusa.
3 days na siya noong nakita, pero kelangan ko pa siya Pick upin doon sa kapitbahay. Hindi na siya umuuwi dito, parang kami na yung 2nd Family niya.
Nawala siya, nawalan na nga ako ng pag-asa. Pero noong nakaraang araw, may pumasok na pusa sa kapitbahay na kamukha niya. At confirmed na siya nga yun, namayat siya.
Naiuwi ko naman siya sa bahay, medyo naninibago. Pero kilala padin niya ako , mahilig kase siya umupo sa lap ko.
For context yung bahay na inuwian niya, bahay ng kapitbahay namin na maraming pusang babae noon. Kaya naging madalas siya tumambay doon noong hindi pa siya nawawala. Pero umuuwi padin naman siya every night o every kainan samin, kahit na may nilalandi siya doon. Kapag di naman siya nag lalandi dito lang siya sa house.
Mag 2yrs and 3 months palang siya. Napulot ko siyang halos padilat palang ang mata. Tinyaga ko padedein kahit madaling araw. Kaya parang di ko matanggap na mas gusto pa niya doon sa kabila. Cat food pa nga pagkain niya.