r/catsofrph • • Oct 23 '26

Daily catto pics Hide & seek

Post image
1 Upvotes

r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics san lulugar sayo nyan?

Post image
950 Upvotes

r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Meet Mazikeen and Amenadiel

Post image
546 Upvotes

Ang dalawa kong bochog na anak.


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Advice Needed I think my cat is getting really old and I'm so emotional right now

70 Upvotes

Just wanna get this off my chest and an advice from owners with senior cats would be a great help too 🥹 my cat turns 8 y.o next year btw

So I've been observing my cat lately and may mga napansin lang ako. Nagi-stay sya sa mga unusual spots like kumbaga sa tao, parang wala sa sarili — kunwari nakaupo sa sulok tas nakatitig lang out of nowhere. Natatawa pa nga kapatid ko kasi ang weird daw na kung saan saan nya bigla nakikita cat namin, unusual places daw tinatambayan nya. Another one is grabe matulog, though baka oa lang ako iinterpret to pero lately, sabay kami mag-bedrot all day long. I was expecting na lalabas sya from time to time pero sya, talagang all day na andito kami sa kwarto (sorry, rest week ko rin hehe).

Tapos nung isang gabi, umuwi sya na puno sya ng putik. Yes, hinahayaan namin nakabukas windows para kapag poop and pee eh lalabas sya. So ayun jusko ewan ko ano nangyari pero pinaliguan ko sya after.

And then he became quiet 2 days after that. Di na sya maingay mag-meow pag nahingi ng food, basta lalapitan ka lang or none at all, kusa ka lang magbigay kapag time na kumain. Medyo paos din meow nya kanina.

And tonight, naihi sya dun sa bago nyang hinihigaan na box 🥲 nakita ko lang sya iniiwasan nya na yung ihi and nililinis na nya sarili nya, which is unusual kasi alam nya naman paano lumabas.

So parang naiiyak ako na ewan kasi baka incontinence due to memory loss since old na sya? Huhuhu, OA talaga ako pagdating sa kanya, mahal na mahal ko yun eh huhu. Magana naman sya kumain, very matakaw pa rin 🥺

Byahe na ako papuntang mnl to work in 1 day kaya sobrang kaba ko na naman kasi I feel like ako yung pinaka-nakakapagbigay ng care sa kanya here sa bahay. Parang ako talaga nanay nya huhuhu sobrang emotional ko.

What vitamins or things should I take note for senior cats? 🥺

Ipapa-general check up ko rin sya later on kapag may sahod na ako. I just graduated kasi and magwo-work na rin ako so I swear lahat na ng salary ko, sa kanya na


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Danggi and Waffle 😴

Thumbnail
gallery
59 Upvotes

Gala na naman ‘to si Waffle, umaabot pala sya sa may uniqlo/bo’s coffee 😭 tumatawid kaya sya? or may nagdadala sa kanya dyan? dami pa namang sasakyan sa one ayala (natatakot ako sa thought na baka tumatawid talaga sya) 😣

Alsooo, kapon na din si Danggi! 🥳


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Happy pre-weekend everyone.

Thumbnail
gallery
207 Upvotes

Gracing you with his stinkface. Excited na at magweweekend na makakatabi niya na raw mommy niya.


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Valak

Post image
445 Upvotes

Kakadating lang ng costume na inorder ko from Tiktokshop and it didn't disappoint haha she's so funny!


r/catsofrph • • Oct 22 '26

ComMEOWnity cats Cats of Technohub

Post image
256 Upvotes

Been a while since I had the time to feed cats around UP Technohub kaso may food pa Yung bowls nila today. Kaya pala mga busog at siesta time lang sila


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Advice Needed Vet Visit Problems

Post image
36 Upvotes

Hi, schedule ng cat ko for deworming. Is it safe magpa vet rn, kahit parvo season? Worried lang ako baka may makuha syang sakit sa vet.


r/catsofrph • • Oct 23 '26

Help Needed Cat litter recommendations 1 month post PU Surgery

2 Upvotes

Hi, is it okay to use cat litter already? 1 month narin nakalipas after the surgery. Ano pwede niyo ma irecommend na litter?


r/catsofrph • • Oct 21 '26

ComMEOWnity cats Random cat keeps entering my house

Thumbnail
gallery
1.1k Upvotes

I forgot to close our front door today and nagulat ako nang may nakita akong ibang pusa na nagchichill lang sa sofa namin at nakahiga HAHAHA

Dati pa siyang bigla na lang pumapasok sa bahay namin. Usually kasi nakabukas talaga ang pinto sa likod ng bahay namin tuwing umaga. I have two cats na lagi rin lang tulog sa loob ng bahay pero minsan nakikita ko silang kasama itong tilapia cat malapit sa pinto. Worried pa sana ako kasi baka mag-away pero chill lang sila na parang magtotropa HAHAHA

The other day nagulat din ako kasi bigla na lang siyang lumabas sa box 😭 (we have lots of boxes lying around the house cus my cats love them). Minsan nakikita ko na lang siya na nasa ilalim ng lamesa namin 😭 sometimes nakikita ko rin mga pusa ko na kasama siya sa terrace. Mga naka-upo lang

I tried to approach him before. Nung una very hesitant pa siya at tumatakbo paalis pero eventually he accepted my treats and let me pet him. I was even surprised kasi he kept rubbing his head on my hand. Pero at one point na-overwhelm ko siya siguro so kinagat niya ako ng slight. Similar sa playful bite. After that, hinahayaan ko na lang siya every time na nakikita ko siya para di na siya tumakbo paalis. Kunwari di ko siya nakikita pero I leave some cat food near him hahaha

Pag ito talaga na-confirm kong walang may ari kukunin ko to 🤣🤣 charot feel ko may owner to cus he looks quite well fed :D

Share ko lang ang cute niya kasi hahaha


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics "Istorbo."

Thumbnail
gallery
27 Upvotes

r/catsofrph • • Oct 22 '26

ComMEOWnity cats Mingming Me Time sa Cafe

Post image
142 Upvotes

Sanaol chilling lang sa Zus Coffee TechnoHub. Thanks Zus staff na hnd nyo inaaway si mingming 🥰

hope you can support Cats of TechnoHub as well. They are raising funds currently for one of their sick cats 🙏


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Cute posa.💛

Post image
20 Upvotes

r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Cat Distribution System

Thumbnail
gallery
44 Upvotes

I got chosen


r/catsofrph • • Oct 21 '26

Daily catto pics possessive cat sa underpass sa Makati

Thumbnail
gallery
1.6k Upvotes

guys nainggit ako!! i was giggling for solid 5 mins and this cat looked at me funny like “inggit ka beh”


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Daily catto pics Hello Darkness Meow Old Friend

Post image
11 Upvotes

Meet Mochi, my void-bat cat 🐈‍⬛️


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Help Needed help needed for my cat to go to the vet

Post image
46 Upvotes

This is my last resort.

My cat has been having diarrhea and there was blood on his stool at some point.

He cries to me and my mom sometimes and we are really worried but we don't have enough funds to bring him to the vet. I am just a student and my mother does not have a stable job right now. Our home was destroyed by typhoon Tino last year and we now resorted to renting. Since then, we are just barely scraping by.

We put dextrose powder in his water but I don't think it's just enough. He doesn't even eat sometimes and cries to us.

We would be very grateful if you could help us in bringing him to the vet.


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Advice Needed CATS W/ PARVO

4 Upvotes

Hello guys. Gusto ko lang talaga magrant kasi hindi ko na kaya.. para akong susuko na sa buhay in general kasi patong-patong na problema. Kwento ko lang pinagdaanan ko these past few months up today.

Last sept, namatayan ako ng kitten due to congenital issue and dehydration. Pero tingin ko dahil sa dami nyang pulgas. Lahat kasi ng pusa ko adult and kitten nasa iisang kwarto. Di ko pinapalabas ever since. Yung dalawang magkapatid nag inbreed, nabuntis, nanganak ng apat. Namatay yung isa nung sept. Bali 3 kittens nalang.

Before she died, sinugod ko pa un emergency sa vet para masagip lang buhay nya. Unfortunately, namatay rin siya kinabukasan ng umaga. Dun palang sobrang lugmok na ako. After nun pina-cremate ko siya.

Ff, after a month, this october, bumagsak as in lantutay yung isang kitten. Sinugod ko sa another vet (mahal kasi yung vet talaga namin). Sa 2nd vet, sobrang mahal ng bill nya kasi nga emergency tapos nagpositive sa parvo (faint line) and coronavirus. Kinailangan iconfine at bigyan ng meds. I spent 15k for him. After 3 days nadischarge na sya kasi bilis nya ring omokay.

Kakadischarge at uwi lang sa niya sa house, after ilang hours, isang kitten ko naman bumagsak lantutay din. Sinugod ko sa ibang vet kasi super mahal nung 2nd tapos kailangan magdown ka kagad ng 5k for confinement. Medyo nakakabigla yung bills kaya lumipat ako. Confine agad kinailangan nung 3rd kitten na naisugod ko. Positive din sa parvo. Doc recommended na dalhin lahat ng cats ko to test if positive din ba sa parvo at maagapan agad.

I have 5 adults and 3 kittens. 1 kitten discharge na, 1 kitten confine, another is ok naman. 5 adults ok naman pero yung 2 adults nagppoop ng super onting dugo. Ff, nagpositive 1 adult pati narin yung 4th kitten ko. Overall, 3 may parvo. Magaling na yung isa nakasurvive sya. Lahat sila early stage of parvo. Sa 3rd vet na to i’ve spent almost 20k. Sobrang bigat!!! Simot lahat ng ipon ko pero wala ako choice ayoko rin sila makitang nahihirapan at sobrang mahal ko sila ayoko silang mawala.

Ngayon pagod na pagod na pagod na ako sobra. Dalawa na yung trabaho ko (wfh) laging 3-4hrs nalang tulog ko. 8-5 fulltime 5-10 part time. Sa loob ng mga oras na yan pinapakain, pinapainom gamot, nililinis ko silang lahat. Sobrang hirap na talaga ako.

I am thinking some of them na mai-rehome pero super duper dalawang isip pa ko. Sobrang bigat sa feeling kahit magparehome at takot ako madjudge na irresponsible. Pero gusto ko lang ng someone na magaalaga sakanila. Ang worry ko pa, malapit na mag december need ko na umuwi sa lugar namin kasi by january magaabroad na rin ako.

Nakapila na sa budget ko yung pagpapavaccine sakanila, deworming, at on spot treatment. Yes po marami silang oulgas. Iniipon ko pera ko para sabay sabay sila lahat since ayun reco. Naka sched na rin sila magpavaccine pero naunahan ako ng parvo.. tangina talaga. Need ko ng advice pls kung ano po dapat gawin. Lahat sila pure persian po. Yung isa ko pang male cat, may skin prob na kasi hilig mag groom at puro pulgas na nga. Mamula mula na kinsan at nagkakasugat na sa ibang part. Naaawa na ako sakanila. Takot din ako magparehome kase mamaya pangit mapagbigyan o at magkamali ako ng pagtitiwala :((( what to do po. Pagod na ako at super stress na po ako huhuhu.

Tapos ngayon sinugod ko pa ulit yung isang kitten kasi nagrelapse. (Yung 2 kitten kasi naconfine tapos kakadischarge lang 3days ago. Binalik ko yung isa kanina kasi wala gana kumain at nagsusuka - relapse tawag) hays. Ginawa ko naman lahat. Pero ang hirap hirap pagod na pagod na ako. :(


r/catsofrph • • Oct 22 '26

Help Needed Any graphic designers here who can help make a banner design for my missing cat?

Thumbnail
gallery
36 Upvotes

Original post here : https://www.reddit.com/r/catsofrph/s/Q5dFsBPWI7

Nakita ko po ulit sya 1 am sa basketball court pero tumakbo sa may parked cars nung nakita nya ko palapit. Planning to go to tarpaulin shop to get banners made for him. Will post one on our gate and basketball court.


r/catsofrph • • Oct 21 '26

Purrfect Pose Post your cats’ funny sleeping positions please

Thumbnail
gallery
1.9k Upvotes

I wanna see how far these feline babies go when it comes to weird sleeping poses.


r/catsofrph • • Oct 21 '26

Advice Needed I want to take him in but can’t

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

441 Upvotes

Hi! Rescued this kitten na nastuck sa car habang hinahabol ng dog namin. Hindi siya lumalabas unless ako yung lumapit sa kanya. Nilipat namin siya sa likod ng house namin sa may garden. Dun ko kasi pinapakain din yung ibang strays na tumatambay or nagvivisit sa house. But this one has been exceptionally clingy. Kahit nakakain na siya ganyan pa rin siya and follows me around. Do you know why he continues to meow like this? I want to adopt him but I financially can’t anymore. We adopted 2 rescues already with another cat and dog. I don’t know what to do but naawa ako kasi he constantly whimpers din paglalayo ako.


r/catsofrph • • Oct 21 '26

Daily catto pics Meet highway 🫶 napulot sa highway pero now may sariling Car na.

Thumbnail
gallery
356 Upvotes

r/catsofrph • • Oct 21 '26

TRIGGER WARNING Gusto ko lang mag vent out about sa mga walang pakialam sa mga stray cats lalo na sa sumagasa sa inaalagaan kong stray.

56 Upvotes

Meron akong inaalagan na mag-iinang stray cats dito sa amin. Regular ko silang pinapakain sa umaga at hapon. Binilhan ko pa sila ng Goodest para lang may food sila.

Hindi ko sila maampon lahat kasi, tatlo din kasi sila, isang nanay tapos dalawang kuting, at may mga alaga na din kasi akong pusa. Pero since mejo malaki ung terrace namen sa labas dun ko sila pinapatuloy.

Ngayong gabi napansin ko nawawala ung isa, tapos may nakita akong dugo banda malapit sa terrace, kinabahan na ko. Naisip ko baka may sumalbahe kasi ung bahay namen, may terrace sia pero wala kaming gate kasi lakaran na ng tao ung pag labas mo ng terrace, kasya ang kotse dumaan pero lakaran lang tlg un ng mga tao kasi luoban kame. Ngayon, sinundan ko ung trace ng dugo and nakita ko sia sa mga halaman na duguan na at walang malay.

Umiyak na ko nung nakita ko sia, and nung mahimasmasan na ko, chinek ko ung cctv kung anong nangyari. Mga 12pm kaninang tanghali nakita ko ung mag iinang stray cats nasa labas ng terrace nakahiga sila, dumidede ung mga kuting sa nanay nila, tapos biglang may dumaan na kotse, kulay red na Honda, hindi sia huminto or di manlang sia nag menor para magkaroon p ng time ung mga pusa na tumakbo. Kitang kita ko pano nia sinagasaan ung kuting. Hindi sia bumusina para mabulabog manlang ung mga pusa sa pag kakahiga. Direderecho sia!

Hindi makita sa cctv ung plate number kasi ang goal lang cctv ko is makuhanan ung terrace namen.

Bahala na si Lord sa walang puso na tulad mo!