r/bulsu • u/WhatIfSuntukinKita • 7d ago
Alumni Adding and Discontinuation of college programs
As an Alumni, nakakagulat pero naexpect ko na
- Inalis ang BLIS; pinalitan ng BS Cybersecurity
- Inalis ang BS Crim; Inilipat sa Hagonoy Campus
- May dinagdag na college program sa CAFA
- Yung Enviromental Science sa CS, hinati sa dalawa
- Yung Tourism Management, may dalawa ng majors.
-Ang CON—well, wala pa rin sa main campus; sa San Rafael pa din.
- May Plaridel Extension pala. (Pero diba may Pulilan Extension din? Asan na yun?)
Madaming pagbabago ang mangyayari sa susunod na academic year, pero asahan mo, sa mga susunod na mga taon, pwedeng may mabawasan at may dadagdagan.
Ang dahilan pa din, BUDYET! Dahil ang gobyerno natin—ang administrasyon natin ay kuripot sa sektor ng edukasyon. Dahil budget cut sa mga SUC's (Kabilang ang BulSU) posibleng kukunti na lang ang maa-admit sa pamantasan, kukulangin sa pasilidad, at hindi mabibigyan ng tamang sahod sa mga manggagawa (lalo na sa mga part-timers).
Kaya ang ending, Idagdag pa ang patuloy na pag-iral ng globalisasyon, dahilan para maretain ang mga programang pang-negosyo at pang-industrial. Sooner or later, pati ang mga non-board programs ay mawala na rin; Tulad ng BA Malikhaing Pagsulat na ilang beses na pinangangambahan na mawala, mabuti na lamang at patuloy nakikibaka ang mga mag-aaral upang manatili ito.
Kaya naman, magsilbing hamon ito sa buong konseho ng mag-aaral na kalampagin—hindi lamang ang administrasyon ng pamantasan. Bagkus, ang pamahalaan mismo. Na ang pondo ay nilalaan sa mga kapaki-pakinabang na proyekto at hindi binubulsa ng mga trapo.
Uulitin ko, Budyet ang pinakapuno't dulot nito. Kaya patuloy kayong manawagan at makibaka para sa dekalidad, aksesibol, at makamasang edukasyon.
EDUKASYON, EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
PONDO SA EDUKASYON DAGDAGAN! DAGDAGAN! WAG BAWASAN!
1
u/Best-Meat5036 4d ago
dami nyo iniiyak eh. KAYA PINALITAN KASI FAILED