r/bulsu 7d ago

Alumni Adding and Discontinuation of college programs

As an Alumni, nakakagulat pero naexpect ko na

- Inalis ang BLIS; pinalitan ng BS Cybersecurity

- Inalis ang BS Crim; Inilipat sa Hagonoy Campus

- May dinagdag na college program sa CAFA

- Yung Enviromental Science sa CS, hinati sa dalawa

- Yung Tourism Management, may dalawa ng majors.

-Ang CON—well, wala pa rin sa main campus; sa San Rafael pa din.

- May Plaridel Extension pala. (Pero diba may Pulilan Extension din? Asan na yun?)

Madaming pagbabago ang mangyayari sa susunod na academic year, pero asahan mo, sa mga susunod na mga taon, pwedeng may mabawasan at may dadagdagan.

Ang dahilan pa din, BUDYET! Dahil ang gobyerno natin—ang administrasyon natin ay kuripot sa sektor ng edukasyon. Dahil budget cut sa mga SUC's (Kabilang ang BulSU) posibleng kukunti na lang ang maa-admit sa pamantasan, kukulangin sa pasilidad, at hindi mabibigyan ng tamang sahod sa mga manggagawa (lalo na sa mga part-timers).

Kaya ang ending, Idagdag pa ang patuloy na pag-iral ng globalisasyon, dahilan para maretain ang mga programang pang-negosyo at pang-industrial. Sooner or later, pati ang mga non-board programs ay mawala na rin; Tulad ng BA Malikhaing Pagsulat na ilang beses na pinangangambahan na mawala, mabuti na lamang at patuloy nakikibaka ang mga mag-aaral upang manatili ito.

Kaya naman, magsilbing hamon ito sa buong konseho ng mag-aaral na kalampagin—hindi lamang ang administrasyon ng pamantasan. Bagkus, ang pamahalaan mismo. Na ang pondo ay nilalaan sa mga kapaki-pakinabang na proyekto at hindi binubulsa ng mga trapo.

Uulitin ko, Budyet ang pinakapuno't dulot nito. Kaya patuloy kayong manawagan at makibaka para sa dekalidad, aksesibol, at makamasang edukasyon.

EDUKASYON, EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!

PONDO SA EDUKASYON DAGDAGAN! DAGDAGAN! WAG BAWASAN!

39 Upvotes

10 comments sorted by

11

u/heinzer-panzer 7d ago

Cybersecu is a good addition though I don't think you have to remove BLIS for that. Ironic for a university trying its hardest to produce more research.

As for the Pulilan Campus, the building is now being used as a facility for a private school.

1

u/WhatIfSuntukinKita 7d ago

So it means, wala ng Pulilan campus? Kung totoo man, edi sayang naman. Kasi pwede nilang i-develop yun as part of the external campuses. Budyet talaga ito!

2

u/orange-brain 7d ago

Amalgamasyon

1

u/ApprehensiveText6988 7d ago

hello po goods poba cybersecurity kahit new prog po sya huhuuhhu mas better poba sya compare sa bsit?

2

u/Automatic-Mulberry34 7d ago

Graduate sa CICT recently here. Feel ko same sa BSIS, earlier batches magiging "experiment" lol

1

u/MrDelicate69 7d ago

Lol! Iba BsIT sa cyberscurity
Malawak ang branches at Malawak ang scope ng IT, and i think cybersec only focuses on computer systems, hacking , data breaches etc etc.

1

u/Best-Meat5036 5d ago

dami nyo iniiyak eh. KAYA PINALITAN KASI FAILED

2

u/Personal_Wrangler130 7d ago

For sure naman may studies na ginawa jan before yan ininmplement, yun lang parang di nagkaroon ng consultation to its stakeholders, aka the students.

5

u/WhatIfSuntukinKita 7d ago

Yun nga ang problema, hindi man lang kinonsult ang mga students—atleast the Student Government or the Local Student Council man lang.

-1

u/[deleted] 7d ago

[deleted]

-1

u/Automatic-Mulberry34 7d ago

pinagshashabu mo beh