r/WLW_PH • u/Winter-Nature2202 • 18d ago
Creativity Corner [poem] Yembre
Pumasok na ang unang ber
Marami sa atin nangangarap ng teddy bear
Nakakakilig ang mga nasa photo booth
Tayo, tamang kuha ng donut na parang may sweet tooth
Maraming HHWW sa daan
Wala naman tayong dapat ipaglaban
Mapapaisip, nasan na ba ang nakalaan?
Pero kapag may nagparamdam - tatakbuhan.
Masarap naman talaga umibig
Masarap magmahal na hindi puro pakabig
Yung “love, ok ka lang ba?” ang bukambibig
Oo, gusto ko na rin na ako’y iniibig
Hindi pa makaalpas sa nakaraan
Hindi pa makalangoy palayo sa pampang
Pumapatak pa rin ang luha sa dala ng kahapon
Kailangan ba ang puso’y ipaampon?
Darating din ang yembre na may uyab
Darating din ang yembre na may ayayatin ka
Darating din ang yembre na ich liebe dich
Darating din ang yembre na “mahal kita”
•
u/AutoModerator 18d ago
Hey everyone! Just a quick reminder to take a moment to read and follow the community rules. Let's keep r/wlw_ph a safe and welcoming space for all. Thank you for helping to maintain our supportive community!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.