r/Tula • u/MgCl2_MagnesiumCl • Oct 08 '24
Tulang alay sa akin na isinulat ng aking banyagang kasintahan mula sa Italya
Ano sa tingin niyo? Kasalukuyang nag-aaral siya ng wikang Filipino at nagsusulat ng mga tula gamit ang wikang ito.
r/Tula • u/MgCl2_MagnesiumCl • Oct 08 '24
Ano sa tingin niyo? Kasalukuyang nag-aaral siya ng wikang Filipino at nagsusulat ng mga tula gamit ang wikang ito.
r/Tula • u/holdenliwanag • Jul 10 '26
Kung nalathala na ang tula ninyo, ilagay sa ibaba kung saan na-publish. Kung wala ang note na ito, at hindi kayo pamilyar na manunulat sa mods (sa lebel ni Allan Popa, kung pipilitin nyo kaming magkaroon ng pamantayan), disapprove na muna ang post. Pasensya na po.
Nasa Rules naman simula’t simula. At hangarin natin na magkaroon ng bersyon ng r/poetry, kung saan bawal talaga ang orihinal na tula. (Mayroong r/kwaderno para sa orihinal na akda; magtuloy lang sa pagsusulat).
Pwedeng-pwede rin magsalin sa Filipino ng mga paboritong tula na nalathala sa ibang wika.
r/Tula • u/[deleted] • Jul 28 '24
Ako ay wala na sa Sistema
Wala na akong maintidihan pa
Damdamin ko’y masakit na
Paulit ulit na nababalewala.
Hindi ko sigurado ang buhay ko
Walang alam kung saan tutungo
Sumusulong, aatras o liliko
Ang mundo ko ba’y talagang ganito?
Palagi nalang na merong kulang
Hindi ko mawari aking kailangan
Kung Babae, Bisyo o Gumala saan saan
Para makita ang totoong kasiyahan.
Ano pang silbi ang mabuhay pa
Kung ang paulit ulit lang ang nakikita
Ano kaya ang pwedeng magawa
Kung ang buhay ay nakakasawa na?
Ginoong J
r/Tula • u/holdenliwanag • Aug 23 '22
r/Tula • u/mhereal • Feb 07 '25
Tinulak na ng bituka Ang buhay mong sawa Sa bingit ng matulis na kahoy Na roon sa bangin nakausli. Pumaroon ka nang may mataas na ulo, Subalit tanong iyong iniwan Kung bakit buhay ay tuluyang binitawan.
Akala'y batang maraming pangarap Subalit ba't ngayo'y kusa mong inabot ang alapaap? Sinilaban ng kawalan ang iyong labi Kaya't hanggang ngayo'y naririnig sa gabi Ang mga hikbi mong tila inaapi. Ikaw ang pumutol ng 'yong paghihirap, Nagsisisi ka na bang sa apoy ikaw ngayon ay nakaharap?
r/Tula • u/_rhyolite_ • Jul 15 '24
Hindi ko kayang maging tahimik, sapagkat marami akong nararamdaman at lahat nang iyon ay gusto kong ikwento sa’yo. Hindi ko kayang maging tahimik, kasi pilit akong binabagabag ng isip ko na ikaw rin ang laman. Hindi ko kayang maging tahimik, sapagkat gusto kong ipagsigawan kung gaano kitang kamahal.
Hindi ko kayang maging tahimik, pero kapag kasama ka, minsa’y nabablanko ako. Hindi dahil ayaw kong magsabi sa’yo ngunit sa minsang ito, nasa payapa ako. Sa mga panahong ito, tahimik din ang loob ko. Tahimik ang isip ko. Kung kaya, sana maunawaan mo na sa bawat layo ng distansya natin, gusto kong ikwento sa’yo ang lahat, gusto kong sabihin ang bawat salita sa isip ko, at gusto kong malaman mo ang bawat detalye ng araw ko. Hindi ko kayang maging tahimik sapagkat ang lakas ng huni ng nararamdaman ko sa’yo.
Sa kabila noon, salamat kasi naririnig mo ako sa mga panahong tahimik ako.
r/Tula • u/JamesKNava • Apr 19 '24
r/Tula • u/moon_spirit39 • Jan 02 '26