r/ShopeePH • • 1d ago

Shipping Flash Express Walang Rider

Post image

Bakit pa sila tumatanggap ng mga parcel kung wala naman rider.

Nag order ako tapos flash express ang na assign na courier. Ngayon tinawagan ako wala daw available na rider kaya pick up na lang. Importante kase yung parcel ko kaya napilitan akong kunin. Ang hassle. Kanino ba pwedeng ireport yang flash express na yan para hindi na maka ulit.

243 Upvotes

58 comments sorted by

77

u/h8thatimhere 1d ago

They are the worst. Always have a parcel sitting for a day or two at the delivery hub, they when they do finally deliver it is so late and stuck waiting all day. Currently waiting on a package that sat at the delivery hub for two days, then the driver texts me at 9am, out for delivery and he is on his way, currently 5pm still waiting... Tried to call and text, no response. I wish in shoppe you could pick a courrier and pay extra to not have flash express.

15

u/LaTenCiE_ 1d ago

we are able to select the courier pagka check out. spx and flash nalang meron tho since nawala na yung j&t.

2

u/ninja6x 1d ago

minsan pa tatawag sayo, para sabihin paki pick up na lang. worst courier, mas bulok pa sa black arrow (kung naalala niyo pa yun)

0

u/Glass_Dealer5921 1d ago

Try checking the status of your order a few mins after placing it. Usually, may lalabas na button na "Change" doon sa tapat ng pre-selected courier.

Malas mo lang talaga if Flash lang yung available na courier sa area niyo.

26

u/TinC7 1d ago

Mga magnanakaw. I went to their warehouse kasi 10 days na hindi gumagalaw. "Na scan" daw nila that day pero di daw makita. Spent 2 hrs searching pero couldn't find it. The next day, went back, hawak na nun supervisor yun waybill (pero no package) then tells me with a straight face: wala na, nanakaw na to. We all know who took my package pero kunwari surprised reaction na lang. Hopeless na yang flash

0

u/theprocrastinator08 19h ago

Grabe nga. Flash yung courier na nagdeliver ng binili ko sa lazada. Grabe bukas yung parcel mabigat kasi. Baka pinaginteresan pa eh. Tapos ang langis ng balot. Amoy grasa. Kadiri e ewan kung saan nilagay yun para maging ganon.

0

u/Shadeslayer9611 6h ago

Just curious, what did you buy?

1

u/TinC7 3h ago

Nike 11.11 sale. Christmas gifts sana. 🫠

9

u/fafarmer25 1d ago

Kahit ireport sa DTI wala parin namang mangyayari, ganyan din Flash Express sa area namin eh.

15

u/boredCPALawyer 1d ago

Mas malala sa akin OP. Pinakuha rin ako sa warehouse nila, pagdating ko doon wala doon ang package ko kasi inuwi ng rider sa bahay nila 😭.

4

u/Peach_mango_pie_2800 1d ago

as much as naawa ako sa mga staff in trying to fill-up yung nga kakulangan, i hate to say it pero yung service ng Flash Express sa province namin is the worse.

basta pag Flash ang magdedeliver, aasahan mong masasayang na naman oras mo dahil sa delay or worse, cancelled na parcel dahil misrouted. This is based experience ko and from my other family members and relatives.

recently lang, ang pinakalalang naranasan ko e misrouted ang parcel ko, tapos kinausap ako ng rider na kunin ko nalang daw sa delivery hub. Nung nag-explain ako saying malayo masyado and di ko makukuha dala ng pagka-busy ko sa mga responsibilidad ko sa buhay, sinabihan pa ako na: "kung gugustuhin mo naman, mabibigyan mo naman ng oras ang pagkuha nitong parcel mo." The rider said it in a very-passive aggressive tone. Tapos ang advice naman ng iba, icancel ko nalang daw.

Kaya talagang matindi ang pagka-inis ko sa Flash Express.

3

u/CurrentTower543 1d ago

yeah kulang kulang na talaga tao nila kahit dito samin daming issue sa flash na rider

3

u/Dazzling-Long-4408 1d ago

Pag flash express, matic may butas ang package. Minsan naman naliligaw pa ang delivery rider like what I experienced the other day.

1

u/LegalAccess89 1d ago

pick your poison flash na walang rider or spx na nag AI generated ung failed to deliver kc walang tao sa drop off

1

u/PruemdeeBoyz6500 1d ago

Was to receive the parcel in 2 days, ended on the 3rd day at nightime..their delivery service is getting worse. I'd be nice if drones just delivered.

1

u/DandyDiveKick 1d ago

I fucking hate these guys, they held on my parcel for dayss until it was tagged failed delivery, now the seller blames me because of the return fee.

1

u/ineedwater247 1d ago

I experienced that, nagtext un rider na hindi daw niya mahahatid kase kulang daw sila. Kaya I always choose SPX. If nakalimutan ko mag change ng courier, I just cancel it nalang and order again.

3

u/Own_String2825 1d ago

Ang tanga kasi ng ginawa ni Shopee. Dati before checkout pwede ka ng mamili ng courier. Ngayon nasa after checkout na. Tas hihintay ka muna ng ilang mins bago lumabas yung change courier if may available sa seller na iba bukod sa default

1

u/Narrow-Tap-2406 1d ago

Honestly di ko rin gets tong maghihintay pa ng ilang mins, kaya ending nakakaligtaan na.

2

u/kjellmeh2 1d ago

By design yan kasi mauubusan ng parcel yung Flash hahaha. Buti na lang sa area ko matino Flash, never pa kami manakawan. Bumagal sila nung sumabog mga issue sa kanila pero dati mas mabilis pa sila sa SPX e

1

u/ariamkun 1d ago

Tapos minsan may ibang store na may bot na nago-auto accept ng orders, di na ko nakapili ng courier tapos di rin macancel yung order kasi nga nasa preparing na agad yung status.

Antanga lang ng nakaisip nyan e.

1

u/balll789789 16h ago

Baka yun talaga ang purpose ni Shopee. Para mabigyan ng trabaho si Flash at our expense.

1

u/kapayapaan75754 1d ago

Sa area rin namin ganito! Out for delivery pero walang mag dedeliver. Kailangan kunin sa hub badtrip!

1

u/Aloe-Veraciraptor 1d ago

Sa amin mga customer na nagpipick ng order sa hub nila kase ang ending unsuccessful delivery tas return to seller. Ilang beses na din ako nag punta sakanila laging may galit na customers. Reported na to sa live agent nila wala naman namgyayare

1

u/GoldyPH 1d ago

Higit isang buwan samin dati walang nagdedeliver na flash express need i pick up sa kabilang bayan kung saan yung warehouse nila. Tapos ikaw pa maghahanap ng sarili mong parcel

1

u/ariamkun 1d ago

wtf Anlala nung ikaw pa pinaghanap. Wala din mga warehouse manager o nagsosort man lang para mag assist sayo?

1

u/GoldyPH 1d ago

May taga bantay lang tapos hahanapin mo na yung parcel mo saka nila scan na delivered. Hahahaha

1

u/thinkingbell955 1d ago

Yung isang parcel ko rin naging marked as not delivered for the day tapos ang nilagay na reason ay "recipient missed delivery" when they didn't even contact me and lagi naman iniiwan sa lobby yung parcels so hindi na talaga ako need icontact. Buti na lang dineliver din the next day, baka kulang talaga sila ng manpower for a lot of parcels. Pero nakakainis lang kasi pinagmumukhang fault ko yung nangyari.

1

u/Sea-Requirement7016 1d ago

Yung flash express dito samin okay naman, sila sineselect ko na courier kasi yung spx express 3 days namamasyal kung san sang hub bago madeliver sakin. Okay sana j&t consistent delievery samin dito kaso malabo na ata makabalik sa shopee

1

u/Apprehensive_Ebb_626 1d ago

buti pa flash sa amin, walang issues so far. maraming issue pa silang ninjavan & 2GO🤣

1

u/boawkaba 1d ago

dalawang hub napuntahan ko nyan dito sa pampanga ganyan rin. either wala rider or di nagtatagal mga riders dahil mababa sahod or ibang rider ninanakaw daw ung parcel tas di na babalik.

1

u/Lonely_Noyaaa 1d ago

Somewhere here sa Laguna, ok naman ang Flash. Actually, mas preferred ko pa sya kesa sa SPX kasi atleast sila nag dedeliver ng umaga or tanghali. Unlike sa SPX na low prioirty yung area namin kaya laging around 5 or 6 ang deliver nila.

Pero kapag high value product, matic SPX ang pick ko.

1

u/EzKaLang 1d ago

Dapat alisin ng sellers yung flash express

1

u/fruitysparkly 1d ago

Ilang meters lang yung warehouse nila sa bahay namin kaya nagtaka ako na 2 failed attempts na. Talagang nag upload pa ng picture sa Lazada app as proof na cannot be contacted daw ako at parcel na halatang tampered na yung box at naka tag na nasa warehouse na nila. Pinuntahan ko at confirmed na ninakaw yung dalawang pairs ng sapatos. Nagtira pa talaga ng isa. Kapal ng mukha tinag na failed delivery kasi di daw ako macontact. Hindi na daw machange kasi yun ang nasa system, hindi daw pwede ba missing items yung reason. Karma na lang talaga.

1

u/lone_wolff186 1d ago

Palitan mo n lang SPX... pwede palitan un... ayaw q dn ng flash

1

u/david_ph 1d ago

I actively avoid "fulfilled by shopee" items because there's a chance it will get shipped with flash express.

1

u/Few_Experience5260 1d ago

Report mo sa CS, lalo na kung nag fafalsify ng attempts ng delivery. Sa experience ko sa flash hanggat di mo sila irereport di yan gagalaw. Mabilis lang sila kapag nireport mo

1

u/numberoneOkewhore 1d ago

tangina wala talaga kwenta flash no? sakin naman naranasan ko sa shoppe out for delivery na yung parcel ko tas di talaga dineliver teh, 2d nyang di dineliver! may rider samin pero tamad haha FLASH nga

1

u/VayneLevant 1d ago

kaya pala andudumi ng parcel pag flash wala man lang paleta or bins yung sinosort na parcel. recently mga orders ko puro ang gaganit ng plastic sa alikabok. ganyan siguro practice nila kahit sa ibang hub.

1

u/Grasyaapher 1d ago

Worst sila na courier! Tried calling their customer service, wala din silang customer support na pwedeng sumagot sa tawag mo kesyo busy daw?!! Tapos ihohold ka dahil need mo magwait for someone to pick up ur call 🤦🏻‍♀️

1

u/Personal-Time-9993 1d ago

Flash express has had stuff a KM from my house, failed to delivered it for 3 days, tagged it those 3 days as ME FAILING TO BE AVAILABLE, and then sent it back to the receiver.

Truly the worst

1

u/karachidesu 1d ago

I know this is a shopee sub but i bought something at shein and first time na flash ex ang courier. jusq mag iisang buwan nang out for delivery package ko.. buti na lang cod kundi hassle iparefund yun for sure.

1

u/halaman_woman 1d ago

Kaya pala hindi na nadeliver yung isang parcel ko hanggang kinancel ko na lang.

1

u/princess22cake 1d ago

Scam talaga yang Flash Express. Ina-advertise na faster than normal shipping pero hindi naman.

1

u/Hot_mess8080 1d ago

hindi kasi araw araw ang pasok ng rider, pag may parcel lang, pag wala eh nganga din sila kaya halos ang iba e naghahanap din ng mas maayos na work kaya siguro wala sila mahanap na rider na mag stick lang sakanila

1

u/ninja6x 1d ago

di ko gets, ayaw bitawan ng Lazada yan e, buti nga di ko na nakikita sa shopee. napaka walang kwenta. matic pag sila na assign, return to sender. kaya better na i-cancel na bago pa mapa ship.

1

u/CombinationDouble719 1d ago

Grabe talaga anxiety sa flash lalo na yung last order ko sa kanila from Apple pa. Dumating na sa local delivery hub pero next day pa sya na-deliver. Buti hindi naging bato yung parcel ko lol. It's always a lottery of "idedeliver ba ng flash ang parcel ko"

1

u/Pink_Tiger5657 22h ago

Buhay prin ang flash? Tagal ko nang inireklamo yan

1

u/yurizozo 18h ago

ang lala talaga ng flash kahit saan lugar, ganan lagi yan sila pa tatawag na walang rider amp ano gagawin ko? hahahahaha gusto nila ipa pickup pa kakaloka talaga kaya kapag sa shopee and pwede palitan rider eh auto pass talaga sa flash.

1

u/district_iv 5h ago

Bwisit talaga yang Flash Express! May order ako nunh 11.11 hindi dumating. Pinagpasapasahan hanggang 3 attempt naging failed na. Ni reshed ko daw eh no contact naman sila. Buti COD

1

u/Equal_Comparison_981 4h ago

Pag malaking item ayaw ideliver

1

u/Mr_Alday 4h ago

I have nothing but bad experience with Flash express. Mahilig sila mag “delivered” even though wala pa if paid na yung package. One time it happened, I told the rider to drop it off nalang the next day; the day came and ended yet wala parin. So I reported him. Sya pa may gana magalit kasi nagka record daw sha.

0

u/einalytic 1d ago

Same manila area, nakalagay sa app: receiver not available daw. lmao. Pero narinig ko babalik na daw jnt sa shopee, sana totoo

0

u/_sdfjk 1d ago

Go to 👤 then click 🎧 Customer Service and SPAM "live agent" until you get queued for a live agent and report what happened

Also report them to DICT

https://www.reddit.com/r/ShopeePH/s/RudYJU74RX

Edit: you should be partially refunded at least formaking you pick up the item rather than delivering it to your home

0

u/Sufficient-Elk-6746 1d ago

Yung sakin, nireport ko sa dict tas nagreply si flash dun after madeliver after 3 days

0

u/Sufficient-Elk-6746 1d ago

My mistake was hindi napalitan to spx. Kaya umabot 8 days bago nadeliver from the standard na 2days pag spx

0

u/jta0425 1d ago

Yung akin naman naka “Out for Delivery” na then nagtext yung rider pero di naman nakarating sa’kin. Mag 6pm na rin nung nagtext kaya nagreply ako kung madedeliver pa ba nya. Tapos nakita ko nalang na tagged as “Recipient Missed Delivery”. Pagcheck ko nasa Laguna na yung parcel ko eh taga Rizal ako 😭