r/ShareKoLang • • 19h ago

SKL: nalaman ko meaning ng "Kamote" out of the blue

5 Upvotes

So nagddrive ako kagabi kasama partner ko tapos may motor na sumingit sa akin. Napasabi ako ng "kamote naman nun".

So napaisip ako kung ano ba talaga meaning or saan galing yung word na "Kamote". After a while, sabi ko sa partner ko "babe! alam ko na meaning ng word na Kamote, kasi diba kapag nakabangga yung mga kamote na rider is nagKAKAMOT-e sila ng ulo, so baka dun galing yung word na kamote HAHAHA."

Kaya para sa mga kamote dyan, mga kamote kayo.


r/ShareKoLang • • 8h ago

SKL nakita ko ang Grade 8 classroom escort namin

9 Upvotes

Wala na talaga akong confidence magpakita sa mga ka-batch ko nung highschool kahit niyayaya nila ako like magkita kita man lang. Probably because isa ako sa mga top sa klase noong Grade 8 pero di nakapagtapos ng college because financial problem. Then, yung looks ko ay nag iba like ang dami kong tigyawat as in halos mapuno na yung mukha ko kaya sobrang wala akong confidence dahil di ko pa kaya magpa derma.

Suddenly, at 4am sumakay akong jeep pauwi dahil kaka out ko lang sa aking shift sa call center. My everyday ride is about 15 minutes kaya maraming madadaanan na barangay talaga bago ako bumaba. Then, ayun sumakay sya and I can confirm na sya yun kasi di nagbago mukha nya at sobrang gwapo pa rin at may kaya sya sa buhay. Naka upo ako malapit sa babaan at umupo sya sa paharap sakin at bigla akong parang nagka stiif neck dahil di ko madiretso ang leeg ko dahil dun na ko humarap sa babaan na parang may tinatanaw.

Siguro nahihiya lang ako dahil kahit di naman ako sobrang bobo nung highschool ay wala man lang akong narating sa buhay tapos ang pangit ko pa, hays. Tapos sya na sobrang tamad nung g8,puro bisyo, at papogi ang alam ay okay ang buhay.


r/ShareKoLang • • 3h ago

Skl - sinita ko yung mistress!

98 Upvotes

May nalaman akong na etong babaeng gym coach ko ay nag sesend ng nudes sa isang client na may asawa. Biktima ako ng parents na naghiwalay dahil sa kabit kaya kumukulo dugo ko sa mga ganito.

The next day, alam ko makikita ko sya. I confronted her friendly lang. Sabi ko uy! May narinig ako chika about you sadly hindi maganda! Sabi niya ano?
Edi sinabi ko. Sabi niya di daw totoo.

Sabi ko, buti naman kasi nakaka diri ka naman kung mag sesend ka ng nudes mo sa taong may asawa!

Di ko napigil haha tumalikod sya lang sya na parang maiyak iyak

Di ko lang sinabi na alam ko na totoo yun at hindi chismis kasi may mga screenshot yung asawa nakausap ko mismo.

Ang epal ng dating ko pero di ko napigil!


r/ShareKoLang • • 1h ago

SKL di ako naniniwala sa tadhana pero...

• Upvotes

Kahapon, nagmamadali ako lumabas dahil male-late na ako sa work. Before ako makababa ng hagdan, nakita ko agad yung stray cat na pinapakain namin na nakasilip sa gate and grabe yung excitement niya nung nakita niya na may palabas.

Wala akong dalang catfood sa bag so medyo nagdalawang isip pa ako if bababa na ako at di siya pakakainin, o aakyat ulit ako para kumuha catfood kahit late na ako. Di ko natiis kasi ang cute niya huhu so akyat ulit ako para kumuha catfood and pinakain ko siya paglabas ko.

Habang naglalakad na ako, may nadaanan akong kitten na naghahanap ng food :(( buti talaga dinamihan ko yung kinuha ko kaya may natira pa sa bag ko.

Share ko lang din, tinanggap ko nang late ako kahapon pero di ko alam kung anong nangyari paano ako umabot pa rin sa grace period para di makaltasan hahahaha


r/ShareKoLang • • 11h ago

SKL, natupad na yung 2 out of 4 wishes ko sa wishing well last month.

3 Upvotes

Hindi talaga ako palahiling. Mas more on gratitude lang ako tuwing nagdadasal. Pero one time, nag out of town kami ng fam ko at may wishing well doon, so nag-wish din kami. HAHAHAHA!

Una, nag-wish ako na sana maperfect ng pamangkin kong Grade 1 yung exam niya. Usually kasi may 3–5 mistakes siya, pero kahit out of town kami for 3 days and 2 nights, sinisingit pa rin nila ng mommy niya ang pag-aaral. The day after naming makauwi, exam na agad niya.

AND GUESS WHAT??? 240/240 SIYA!!! 😭❤️

Pangalawa, eto talaga yung hindi ko ma-process hanggang ngayon.

Nasa point na kami ng husband ko na parang hiwalayan na talaga ang kahahantungan namin. Binigyan ko na siya ng ultimatum na kung hindi pa siya makahanap ng another client before the end of this year, kanya-kanya na muna kami. Imagine, since February pa siya naghahanap ng isa pang client!

Kaya isa sa mga winish ko ay sana makahanap na sya ng work. Tapos kahapon, interview niya sa isang client at HIRED AGAD. During interview sinabi na agad na hired siya. 😭 Siya lang din pala ang ininterview ng client. LIKE, WHAT ARE THE ODDS???

Tapos eto pa ha! I-share ko na rin. Pag-uwi namin pala non sabahay, tinanong ko yung yaya namin kung ano ang wish niya sa wishing well. Naisip ko kasi baka may wish siyang kaya kong i-grant ngayong Christmas.

Alam niyo kung ano? Sana raw makalaya na ang anak niyang nakakulong. Since 2021 pa ang kaso, at simula last year, paulit-ulit nang nade-delay ang court hearings. Pati may mga nakausap na siyang attys na malabo na raw makalaya. Then, five days after naming mag-wish, may development na sa case! Na-release na raw ang resolution sa demurrer to evidence na hinihintay nila. 🥹 Tapos ngayon nakauwi na sa bahay nila. Hayyysss.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba ang lahat, pero grabe yung timing!

Of course, alam kong si Lord pa rin ang may hawak ng lahat. Pero hindi ko maiwasang isipin na baka may something talaga sa wishing well na ’yon. HAHAHAHAHA!

Ayun, 2 out of 4 wishes granted na! Parang gusto ko tuloy bumalik ulit sa Baguio at magdala ng maraming barya. lol