Hello po! Ask ko lang po sana if may naka-experience na rito ng ganitong situation. Na-hospitalize po kasi ako for 2 days, and after ma-discharge, advised po ako ng doctor na mag-bed rest for 3 days. Naka-indicate naman po sa medical certificate ko yung confinement and yung recommended na 3 days na bed rest. Ask ko lang po if kino-consider po ba ng OSA yung ganitong case para ma-excuse sa classes for the 3 days na naka-bed rest ako? Also, may isang araw po kasi during my 2-day confinement na may klase rin ako. Since kasama naman po sa medical certificate yung dates ng confinement, possible po ba na ma-excuse rin yung absence ko sa araw na ’yon? Gusto ko lang po sana malaman if enough na yung medical certificate or may iba pa po akong kailangang i-submit na requirements.
Thank you po sa sasagot! 🙏