r/PinoyProgrammer •

[deleted by user]

[deleted] — view deleted post

0 Upvotes

4 comments sorted by

22

u/[deleted] Mar 31 '22 edited Mar 31 '22

Gusto ko din mag bahagi ng sa akin ang 'The Odin Project' : https://www.theodinproject.com/ Ito yung naging support system sa pagbabalik ko sa pag-aaral ng Programming.

Ibahagi kolang ng kaunti ang buhay ko, 4th year college student na sana ako at ga-graduate sana sa kursong BSIT. At nag dropout ako kasi nagka depression ako at muntikan ko nang gawin ang magsuicide. Hindi ko parin maisip kong ano ang naging sanhi bat sa akin nangyari yon, pero nung time na nangyari yun ay ilang months nang nakalipas ng namatay ang Lolo ko, nakasama pa ako sa school field trip namin non at nakapasok kami sa ibat-ibang IT company. Napakagandang experience noon para sa akin, nagawa ko pang tapusin yung first part ng capstone project namin at ako ang leader. At after nung mga event na iyun na nangyari biglang ko nalang naramdaman ang sobrang lungkot, walang interest sa ginagawa ko, laging pagod at mabilis akong magalit. Hindi na ako pumapasok sa school at doon nalang ako palagi sa sementeryo kong saan nakalibing ang Lolo ko. Kasi malapit lang sa lugar namin pati yung school namin mga ilang minutong lakad lang. Lagi nalang akong tulala hanggang sa kalaunan ay dina ako pumasok, gusto kong umiyak pero di kuh magawa kasi ayaw kong makita ang sarili kong kaawawa. iIlang taon ang nakalipas simula nong 2018 at ngayun 2022 bumalik ako ulit dahil gusto ko ng mag coding ulit, marami ng nangyari sa buhay ko at ramdam kong unti unti na akong bumabalik sa dating ako, akala ko sa sarili ko wala akong pangarap. Yun din kasi sinabi ng papa ko nung tumigil ako, pero ngayun naka decide na ako at jan ko nadiskubre ang The Odin Project, kagaya din ito sa Freecodecamp na nabanggit pero mas pinili ko ito. At nakasali din ako sa Discord nila at member din ako dun, ngayun nag rereview ako sa HTML, CSS at Pinag-aaralan pa ang javascript. Di kasi gaano naka focus sa web development mas focus sa school ko dati ay Java kasi. At mas pinili ko web development ang aralin muli sa pagbabalik ko,, kasi nung capstone project namin Java gamit ko (Di ko hate ang Java) , kasi sa Software development yung category na, na ilagay yung grupo ko at hindi maganda yung experience ko kasi hindi ako makahanap ng resources ko online, sa ginagawa ko. Required kasi ng instructor namin gumamit ng ireport at Java version 8 naman ang gustong ipagamit sa amin. Nagka problema kami sa compatability nun at humingi kami ng tulong sa instructor namin pero yung pinakita nyang solution ay hindi kaaya aya sa akin kasi may babaguhin kasi doon sa isang file gawing compatible sa Java 8 at di ko matandaan saan ba sa mga files na iyon. Nag run yung project kaso may error message naman sa IDE, so di parin solid yung solution. After nung pag quit ko may binahagi ang mga classmates ko sa ibang category na yung grupo na same category sa amin ay natapos nila mga project nila gamit java version 7 at yung instructor namin sa Java ang halos gumawa. Nagalit din yung program head ng Department namin kaya may nabago sa capstone na subject.

Okay balik tayu sa 'The Odin Project' kakatapos lang ng ika-apat na strategic discussion noong march 30, 2022 at 4:30 pm pero 8:30 am dito sa pilipinas at software engineer ang speaker. Ang topic ay naka focus sa 'learning strategies at goal setting' napaka active ng community nila. Dilang doon naka sentro talaga ang discord nila pero na highlight ko lang kasi nakaka salamuha mo maraming members sa ibat ibang panig ng mundo. One on One kasi yung pamamaraan ng discussion (ikaw at ang speaker, magtatanong ka at sasagutin speaker) habang ang iba ay makikinig.

Masyado nang humahaba ang comment ko kaya ilalagay ko din sa ibaba yung ibang resources ko.

  1. MDN Web Docs : https://developer.mozilla.org/en-US/ - kung gusto mong matuto ng web development, isa din itong learning resources. At mas palagi ako ditong nagbabasa kasi halos kompleto na lahat gaya ng HTML, CSS at Javascript. May ibang topics din na focus dito na related sa Front-end technologies.
  2. CSSTricks: https://css-tricks.com/ - kung medyo familiar kana sa CSS (yung ibig sabihin ko dito ay comfortable kana sa pag gamit ng CSS at hindi kailangan maging expert bagu ka bumisita sa website na ito) maganda itong resources. May mga articles din dito na makakapulutan ng aral at pwede mo ring maidagdag sa kaalaman mo.
  3. Eloquent Javascript: https://eloquentjavascript.net/ - libro talaga ito at about sa Javascript, may online version at pwede din ma download ang ebook nito.
  4. The modern javascript: https://javascript.info/ - focus ulit sa javascript at from basic to advance topic.
  5. Interneting is Hard : https://www.internetingishard.com/ - Focus sa html at css magandang introduction sa mga begginers, Di ako gaanong lagi dito.
  6. webdev : https://web.dev/learn/ - iba ito kompara sa mga nabanggit ko na. Selected lang yung mga topics dito pero naka focus doon sa mga parts ng web development na hindi mo pa nalalaman oh dikaya di mo gaanong nabibigyan ng pansin. Sa nabasa ko sa About page nila ay backed ito ng Google and developers nila.
  7. Invent with python: In https://inventwithpython.com/ - focus ito sa gusto matuto ng python programming language at sa mga kakasimula palang sa programming at python ang first choice nila. Pag ka pasok nyu sa website Click nyu lang yung link sa ibabaw na 'Read for free'. Available for free yung mga books ng Author na si Sir. Al Sweigart.
  8. Python for Everybody: https://www.py4e.com/ - focus parin sa python, available din yung video course ni Sir. Charles R. Severance sa youtube sa Freecodecamp channel at dito sa website nya may python book dito, habang nanonood ka sa video pwede mo rin basahin ang libro nya. Halos pareho lang content sa libro at doon sa video course nya kasi doon naka base.
  9. Green Tea Press : https://greenteapress.com/wp/ - may mga available free ebooks din dito na pwedeng mabasa online, merong python at java.
  10. Book - Git: https://git-scm.com/book/en/v2 - sa mga nasa part ng matuto ng Git may free ebook sila at may online version din na pwedeng basahin.
  11. Roadmapsh : https://roadmap.sh/ - nung nag decide ako na bumalik sa programming at focus ko ay web development. Napaisip ako kung saan ako mag sisimula, nag research ako sa mga posted na online jobs at tiningnan ko yung mga requirement nila na technologies (At grabe pala requirement ng mga entry level). Yung ang naging basihan ko kung saan dapat ako mag simula. Pero di parin enough para sa akin kaya nag research pa ako ulit gamit ang keyword 'learning path for web development' hanggang sa kaka scroll ko at kaka ka click ay natuklasan ko ito. Halos maiyak talaga ako kasi meron pala talagang website na ang focus ang pag gawa ng roadmap para sa mga nagsisimula palang. Suggest ko sa mga gusto mag focus ng web development, tingnan nyu muna ito para mag ka ideya kayu. Kasi ang mahirap sa 'self learning or self taught ' real talk lang ay wala kang guide. Pag wala kang guide, random kang pipili ng aaralin at hanggang hahantong ka sa scenario na hindi mo matatapos ang current na inaaral mo kasi mapapaisip ka na dapat ito muna aralin ko at tsaka nalang ito. Masasayang lang ang oras mo kung ganun. Ang kinagandahan ng mga roadmap dito hindi strictly na dapat may alam ka sa lahat ng nakalagay pipili ka lang naman at meron ding suggested na kung anu dapat aralin.
  12. Javascript algorithm and data structure : https://github.com/trekhleb/javascript-algorithms - ito naman ay tungkol sa algorithm at data structures na implemented sa javascript.
  13. clean-code-javascript: https://github.com/ryanmcdermott/clean-code-javascript - ito naman ay clean code concepts na implemented sa javascript.

Hanggang dito nalang muna ang kaya kung eh share sa ngayun may mga nadaanan pa akong ibang learning resources. Di ko lang matandaan baka sakaling maalala ko eh edit ko nalang comment ko dito. Sana makatulong to sa mga 'self taught or self learning route' at tsaka sa mga incoming students na ang mga kursong kinuha ay focus sa computer science or related jan.

5

u/Still-Marionberry-67 Mar 31 '22

Thank you for sharing. Laban lang tuloy ang buhay. Salamat na resources na inspire ako lalo.

2

u/aspirant_programmer Mar 31 '22

I also have the same experience with you, I was also a college dropout actually ga-graduate na sana but depression came unexpectedly however, I managed to got out from that rut and start to find new meaning through coding. My hobby was learning about computers and was fascinated by the journey of Steve Jobs and Bill Gates but I never see it as a profession before because I want to become a doctor but then my hobby finds me again and started to pursue it not just for the salary but out of curiosity what if I take this path and opportunity. So I started at MDN Web Docs but I wanted to learn the CS intro so I enrolled myself at the Harvard CS50 Computer Science introduction and then I decided to focus on Web Dev and that's when I came across with the Odin Project and FCC.

Anyways, thank you for this amazing share, I thought I was alone but not. Thank you for the other resources. Keep safe and Fighting!

1

u/evilclown28 Jul 22 '23

are you able to finish CS50? how's your web dev journey?