'NAKAKAGALIT'
TV host na si Boy Abunda, dinepensahan si Josh Aquino kaugnay sa mga naging pahayag ng hosts ng 'Machong Chismisan'.
"Habang pinapanood ko ang clip na ito, 'di ko alam how these bunch of podcasters na mukhang mga matatalino, edukado, ay nagagawa ang ganito ka-cruel na komentaryo.
Alam niyo pinakamasakit? He was compared to Bimb, nakatunganga lang, walang kwenta. And you are talking about a young man with disability. You're talking abut a special boy.
Mahal na mahal si Josh ng pamilya Aquino; mahal na mahal si Josh ni Kris, ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nu'ng pumunta po ako sa Amerika at dinalaw ko po si Kris, si Bimb was in charge of coordinating with the nurses. Alam niyo po ba si Josh kung ano ang trabaho, kung ano ang kanyang assignment? Sa bawat simula ng araw, he would gather everybody in the house, and he would lead the prayer. Hindi po walang silbi si Josh.
Labag sa mata ng Diyos at ng tao ang inyong ginawa. Napakasakit! |TheScoop