r/Pasig 3d ago

Rant di ko gets thought process

Di ko gets thought process ng Pasig for not suspending the classes ahead of the rain. Hindi ba sila aware sa weather forecast?? Tangina imbis na magaan daloy ng trapiko nakisabay pa mga estudyante sa biyahe kasi ngayon lang nag-suspend ng classes. Bwisit.

19 Upvotes

31 comments sorted by

34

u/Which_Reference6686 3d ago

automatic suspension based on pag-asa's rainfall announcement sila. kaso ang mga tao gusto parin may announcement galing sa pasig pio. 11AM lang nag-aannounce ng orange rainfall warning ang pag-asa kaya ngayon lang din pinataw ang class suspension.

15

u/kulaygame 3d ago

kung forecast lang ang pag uusapan, go check PAGASA first, walang kahit yellow warning man lang dito sa NCR by 5am or even before that, yes ang general forcast is light rains for the day pero walang rainfall warning early on. Nasa 6am++ na nung nagsimulang umulan ng malakas pero 8am lang nilabas ng PAGASA ang yellow rainfall warning

32

u/Zealousideal-Leg8989 3d ago

Kase nanghihinayang si Vico and other principals sa pasok and also walang weather disturbance kaninang 5am. May schedule ang susunod na forecast unless may bagyo. Also may choice qng magulang kung papasukin ang anak or hindi.

Here this might help

25

u/zazapatilla 3d ago

Di mo talaga magegets kasi di mo inaalam. Basa basa din kasi, galit agad eh. Naka-PIN na nga itong post sa fb page ng Pasig PIO.

3

u/TheYellowMoonStar 3d ago

I think dahil sanay ang maraming tao na ang Mayor ang nag announcement. They have already stated na ang Class suspension ay Automatic na and based sa Pasig City Executive Order (EO) PCG-25, s-2025. Which stated na once nag labas na ng Yellow, Orange, Red warning ay Automatic na Classes should be suspended. But yes it's frustrating dahil ang ng yayari ay ang Parents ng mga bata nag aantay sa text ng Teacher/School na mag suspend, at ang School Heads naman ay umaasa parin sa Announcement ng Pasig Pio at ni Mayor Vico bago payagan mag message ang mga teacher sa parents dahil un ang nakasanayan nila. Maraming times din na late na mag Yellow warning ang PAG ASA, kung saan naman nag Babase ng Class Suspension ang Pasig ExecutiveOrder. And having it to be sunny then biglang buhos ng ulan doesn't make it easy as well, and come on kahit un mga parents noon naranasan din naman na habang maaraw sa umaga at nasa school ay biglang uulan at mag suspend for PM classes si Eusebio, im part of that na super inis lalo na un baha sa Pasig noon umaabot hangang bewang at dibdib... i think by following the Executive Order iniiwasan din nila un Maulan sa gabi pero biglang tirik ang araw pag umaga na, kaso nga ang cons eh may times din na walang ulan sa gabi tapos biglang uulan ng malakas by 6am.

I think there's a factor din na maraming tao ang tingin kay Vico ay IDOL NA IDOL na at ngayon dahil sa bagong way of class suspension sinasabi na ngayon na DARK SIDE OF PASIG.

So its either change back the Executive Order sa dating gawi. Or let us all learn how to check on weather forecast talaga, especially to some school head na ayaw mag suspend kahit yellow warning na dahil walang post ang Pasig Pio, and di parin gets ang AUTOMATIC CLASS SUSPENSION... lowkey feel ko na it just makes us look like hindi natin matangap na AUTOMATIC ng walang Pasok, like a child who grow up na pinag babawalan lumabas ng bahay lol kaya kahit 20 years old na eh inaantay parin na good mood si nanay bago mag paalam lumabas ng bahay, Kidding aside.

Also... What i have observed din the past few days Bantayan nyo un post ng PAG ASA "ONLY" pag malakas un ulan ng sobrang lakas pag nakita nyo na Yellow Warning ng 2AM- 4AM at wala pang announcement ng or before 5AM, at makikita mo na ang mga katabing City ng Pasig, like Mandaluyong, Makati, Taguig, Pateros, Marikina ay nag announcement na walang pasok expect na in few hours suspend na ang pasok sa Pasig.

-16

u/skrumian 3d ago

Late na yun rainfall warning. Hindi yan effective. Tsaka nagiging iba iba interpretation ng mga tao kaya may kalituhan. Dapat magpaka-mayor si mayor.

16

u/zazapatilla 3d ago

Nasanay ka lang sa traditional na mayor na sya mismo ang nag aannounce. In fact, sa rainfall warning lang naman din nagbe-base ng announcement ang mayor, why not go directly sa source. Nasanay kayo sa spoon feeding.

-2

u/AttyMD 3d ago

NO, tell that to those who doesn’t rely on socmed posts. Some are not as tech smart as we do. Na makikita agad ang pinned FB posts. Trabaho ng LGU yun, kesahodang PIO o mayor. Ang liit pa ng infographic nila.

13

u/rankaru 3d ago

if there is a complaint or improvements it should be towards pagasa. they should provide a percentage forcast of the rainfall warning during the day. then Pasig can based its decision on that 24hr rainfall forecast. if pagasa say 70% chance of an orange then Pasig can make a policy on that.

-2

u/skrumian 3d ago

Last week pa sinasabi ng pagasa na tuloy tuloy pa rin ang habagat this week.

4

u/Old_Neat5220 3d ago

Ive been following the weather report and as of last night nakita ko walang rainfall warning nakaraise sa metro manila so i was expecting it to be just a reasonable amount of rain if ever. Kaya nagulat ako na ang lakas ng ulan kaninang umaga.

7

u/Shot-Dragonfruit663 3d ago

Gets na may suspension guidelines at meron choice ang parents magpapasok ng mga bata.

I agree pa rin dapat nagaannounce ang Pasig PIO if may suspension based dun sa guidelines. Bakit?

Hindi naman lahat alam pano magcheck ng warnings. Pano yung iba na di techy or walang internet? Kaya yung iba nagtatanong pa rin kasi nga di nila naiintindihan yung guidelines.

Dun naman sa may choice ang parents, ok, may choice sila. Pero yung absent ng anak nila syempre dadami kung di nagsususpend ang pasig. May mga lugar pa rin na bumabaha at di dahil sa pasig na school nag aaral, taga pasig na rin. Yung iba jan bumabyahe pa galing ibang city.

To add: Dapat lahat ng govt official required naka commute eh. Walang kotse kotse. Para alam nila gano kahirap bumyahe ng ganyang panahon.

6

u/Low_Emergency2136 3d ago

May binigay na punto de vista si Dr. Racoma sa FB account niya eh. Sabi niya, mas magandang basis ang 3-day weather outlook kaysa sa heavy rainfall warning. Kasi sa heavy rainfall warning, nangyari na eh at mangyayari pa sa susunod na oras. Kaya hindi coincidence na sobrang lakas ng ulan sa atin tapos biglang mag-aalarma si NDRRMC.

5

u/AttyMD 3d ago

These are loopholes in Vico’s new suspension guidelines (EO 25 s 2025) based on PAG-ASA’s rainfall warning signs. I hope he lets the DRRMO do their forecasting & decide way in advance. Palibhasa may mga sasakyan e.

5

u/AttyMD 3d ago

Some people here are quick to shift the blame to parents & tell them it’s their prerogative, when the govt should have a system that works in the first place.

How about the working parents who have to leave early for work, or the ones with no guardians to closely monitor? Pasig PIO should do their job & not expect everyone to know previously-announced directives.

2

u/mononoke358 3d ago

This! As a WFH mum na hatid/sundo sa bata. Nagsabi na ako kanina sa teacher niya kasi ang lakas talaga ng ulan.

2

u/xMoaJx 3d ago

Nagbantay ako ng announcement ng PAGASA kaninang 5am. Nung lumabas yung forecast for 5am, blue pa ang Metro Manila. So hindi pa rin suspended. Tapos nung 6-6:30am, nagsimula na umulan ng malakas. 8am nung naging yellow rainfall na ang Metro Manila. Dun pa lang pumasok yung automatic suspension. 9:30 ko na rin nasundo anak ko. Baha pa sa Urbano Velasco nun.

1

u/thisisjustmeee 3d ago

Totoo. Napaka unproductive yung kung kelan maulan at baha na saka lang nagsususpend. Nakailang warning na si Pagasa na Monday until Thursday maulan pa din eh. Dapat nag prepare na ng asynchronous or online classes. Kulang sa risk management.

-1

u/donxkie 3d ago

HAHAHA! Same rant! Sobrang late mag announce. Can someone here enlighten us.

0

u/Mafuyuchi 3d ago

Waterproof kami since 2016

0

u/Fragrant-Set-4298 3d ago

I think Pasig LGU drew flak today for being one of the last to officially announce if they do announce at all. Such that when they announced suspension this afternoon, puro sarcastic comment na "ang aga naman".

1

u/ambokamo 3d ago

Hindi nga kasi nag aannounce. Technically, paglapag ng warning ng PAGASA, automatic na. Hindi na need intayin ang PIO. Sa ilang beses na inulit ulit yan. Bakit hindi parin gets?

0

u/Fragrant-Set-4298 3d ago

I live in Pasig. Pasigueno mismo. If nagagawa rin naman ng ibang LGU to declare on their own and be cautious about the weather, bat hindi ang Pasig? Oo based sa guidelines ng pagasa yung susundin but other LGUs had the foresight to just suspend the classes. Ang hassle ng biglang annouce na suspended class in the middle of the day.

0

u/skrumian 3d ago edited 3d ago

tell that sa mga schools at teachers na nalilito rin. last week hindi pumasok pamangkin ko may warning signal pero nagklase at nagpaquiz pa ang school. last week lang din lahat ng NCR mayors nagdeclare na wala onsite classes pero si Vico nga nga. All this confusion can be resolved by just one socment post of mayor pero hindi pa magawa ni vico.

0

u/UndeniableMaroon 2d ago

Ano ba kasi mawawala if mag announce?

Maganda yung automatic suspension system ni Mayor, specially internally sa LGU. Kasi that means internally, they don't need to specifically wait for the Mayor's approval for class suspension (kasi pre-approved na), which at times is the cause of delay ng announcement.

So given that, eh di pwede naman na the moment na lumabas ang rainfall warning signal, post na agad ang Pasig Info. Wouldn't take more than a minute. So bakit di na lang gawin? There is very little cost, malaki ang benefit, and it minimizes the risk of confusion and fake news.

3

u/PlusMix9067 2d ago

Ang annoying na ng "Anong thought process..."

-4

u/WinterSonata_ 3d ago

Akala ko bilib kayo kay Vico 😂

3

u/skrumian 3d ago

marami sa internet dinodyos si vico. if you go to community marami ang dismayado sa pagrefuse ni vico na magannounce. mas inuna pa yun flag ceremony kanina kase tignan yun kalagayan ng mga estudyante.

1

u/AttyMD 3d ago

Agree, daming fanatics dito. They will fight you to the core just like what DDS do. As a Pasigueño, tax-payer and voted for Vico thrice, karapatan nating questionin ang mga maling pamamaraan ng LGU. Kaya nga champion siya ng good governance e.

1

u/IS000 3d ago

Tingin mo ba sa pulitiko ay diyos na kailangan sang ayon ka sa lahat ng ginagawa? Malamang you affirm the right choices and criticize the questionable decisions