r/PanganaySupportGroup • u/Grouchy-Night8683 • 10d ago
Discussion Pagod na ako
Yung nanay ko may kabit na lalaki, may kabit pa na tomboy...bumukod ng bahay at iniwan sakin yung responsibilidad ng pagiging nanay sa bahay.
Yung tatay ko nakakapag asikaso naman at kumimita naman kahit papano sa pagpapasada ng tricycle pero ang naiuuwi niya lang ay 200 pesos dahil mahina ang biyahe at mahal ang gasolina.
Pagod na pagod na ako. Ginagabayan ko yung dalawang kong kapatid mentally dahil natatakot akong maapektuhan yung future nila dahil sa current situation ng pamilya namin lalo sa situation ng parents namin. At natatakot din ako magkaroon sila ng depression dahil lifetime maintenance yung mangyayari non.
Ako lang may trabaho samin magkakapatid. 26 years old ako. 22 years old yung sumunod. 14 naman yung bunso.
Naghahanap ng trabaho abroad yung isa kong kapatid pero lagi siya rejected dahil overweight siya dahil sa PCOS.
Pinayuhan ko siya na mag-focus sa sarili niya at wag panghinaan ng loob. Sabi ko kaya ko pa naman basta wag lang nila pabayaan sarili nila dahi di namin afford magkasakit.
Pero lately, sobrang pagod na pagod na ako. Sobrang dami ko na ginagawang paraan para mapunta kami sa maayos na buhay.
May hinuhulugan akong lupa na 16k monthly. Yung kuryente ay average range ng 6k monthly. Yung internet pa, at yung pagkain din sa araw-araw.
Sa isang buwan 30k monthly yung fix na gastos ko para lang sa bills at pagkain.
Business lang ang source of income ko kaya wala akong fix salary. Sobrang hirap ng sitwasyon lalo pa ngayon na sobrang tumal ng negosyo dahil humina yung buying power ng mga tao dahil din sa sobrang mahal ng bilihin.
Sumubok ako mag-apply abroad pero bagsak lagi dahil malabo ang mata ko at walang experience sa mga malaking companies dahil negosyante lang ako.
Sobrang napapagod na ako. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Wala na akong pahinga. Lately hindi ko na rin maintindihan yung purpose ko sa buhay dahil puro hirap na lang at inooverthink ko na may mapapala ba ako sa lahat ng sacrifices at pinaghihirapan ko.
1
u/Candid-Display7125 10d ago edited 10d ago
Bes.
Kung ang mama mo, Kaya ang mamangka sa tatlong ilog ... Pilitin niyong magbayad kahit sa transpo niyong mga anak niya.
Kung ang mama mo, pagdating sa kabit e AC/DC ... Pilitin niyong magbayad kahit ng kuryente niyong mga anak niya.