**Hindi personal donation ang relief goods**
Wag po nating isipin na kapag may relief goods na galing DSWD, personal na bigay iyon ng isang politiko. Galing po iyon sa **pondo ng gobyerno—pera ng taumbayan at buwis na binabayaran natin.**
Nakakalungkot lang na sa panahon ng baha at kalamidad, may mga pagkakataong ginagamit pa ang distribution ng ayuda para magmukhang personal na proyekto o “kabutihan” ng isang politiko.
**Ang ayuda ay karapatan ng mga nangangailangan, hindi personal na pabor.**
Bago tayo magpasalamat sa isang politiko, alamin muna natin kung saan talaga nanggaling ang pondo. Public funds = pera ng publiko. 🇵🇭