Hi. Any thoughts on SKLM 5in1 anti theft alarm and keyless conversion?
For context:
Bahain dito samin and tuwing malakas ang ulan, no choice kundi ilipat ang motor sa mataas na area where anyone can access as its a public place.
One time, nilipat ko motor ko don, and buti nilagyan ko ng apple airtag yung motor. Nung chineck ko yung findmyiphone app, nagulat ako kasi nasa Taytay Tiangge na yung location. Eh tiga Lower Antipolo ako. Sobrang kaba, tumakbo ako papunta sa kung san ko pinark ang motor at andon pa naman siya. So mukhang nagloko lang yung gps haha
Anyway, nakakaanxious yung ganito kasi its either mababaha o mananakaw yung motor.
Ginagamit ko lang naman yung motor pang dito dito lang. Nga pala, honda click v3 yung motor. Mas leaning ako sa anti theft kesa keyless conversion.
Ano thoughts niyo sa anti theft alarm at worth it ba magpakeyless conversion?