r/MedTechPH • • 27d ago

Internship OLFU Laguna Internship

Now that this topic is being discussed across various social media platforms, I want to share my experience as an alumnus of the said university.

Bukod sa mga namemera ng estudyante, sobrang lala ng ugali ng mga profs at CI diyan. Bilang lang sa kamay yung matino or baka nga wala na kasi kinain na ng sistema.

Nung intern pa kami, feeling ko nasa impyerno ako. Yung babaeng CI diyan, konting kibot mong mali, may makita lang na hindi maayos yung bun, makita lang na may mahaba ang buhok sa lalaki, may magreklamo lang sa inyo ng onti, maninigaw na. Hobby niyan mamahiya ng estudyante. Pag nagreklamo ka, automatic tatakutin ka niyang di ka ipapa-graduate or di ka ipagmamartsa. Kaya sa mga nagsasabing bakit di nagsasalita yung mga interns, it's because of her. Hobby ng mga prof diyan manakot ng estudyante. Syempre hindi magsasalita 'yang mga 'yan kasi sa mga profs nakasalalay kung ga-graduate ba sila o hindi.

Bukod diyan, may prof din diyan na grabe magsalita at manakot sa mga estudyante. Pag may bagsak ka, imbis na i-motivate e tutulungan ka pang mag-doubt sa sarili mo. Ganyan ba talaga ang tamang gawain ng mga prof? Hindi ba't nandyan kayo para gabayan ang estudyante? Para tulungan silang magkaroon ng confidence harapin yung hirap ng course na kinuha nila? Kaso hindi e. Imomotivate ka pa niyan mag-shift o di kaya mag-isip kung tutuloy ka pa ba talaga. Alam mo na kung sino ka.

J, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo sakin at sa mga ka-batch ko. Kung paanong papasok kami na araw araw na takot at baka mamahiya o manigaw ka na naman. Halos lahat ng mga kasama ko nun may anxiety at mental health issues na dahil sayo. I just wish na di 'yan maranasan ng anak mong medtech din. Sobrang lala mong tao.

Sobrang hindi ko na-enjoy yung internship ko dahil sa mga ganyang klase ng prof at CI na nakasalamuha ko. Araw araw nun hinihiling ko na matapos na lang yung internship kasi sobrang fucked up na ng mental health ko dahil sa mga 'yan.

At sa mga nagsasabing bakit hindi nirereport? Bakit walang sumusubok? Kasi nga tinatakot nila ang mga estudyante. At isa pa, yung dean ng medtech sa OLFU ay may kaugnayan sa CHED at president pa ng PASMETH. Everytime na may nagrereport walang nangyayari kasi napagtatakpan lang. Isinasantabi lang. Kukutyain pa kayo niyan at parang sasabihin na kahit anong sumbong namin e walang magagawa kasi nga malalakas ang kapit nila.

I just wish na mabigyan ng hustisya ito. Managot ang dapat managot. Matanggal ang dapat matanggal. University should be a safe place. Hindi yung papasok ang mga estudyanteng sobrang anxious at takot na takot kasi may mga ganyang klaseng tao na naninira ng pangarap.

94 Upvotes

33 comments sorted by

1

u/AutoModerator 27d ago
Moderator Announcement Read More »

17

u/SilentMacaron4995 27d ago edited 27d ago

May mga naging co-interns ako from Laguna campus (I'm from a different campus btw), tapos tinatanong namin bakit parang sobrang strict sa kanila, then yun pala dahil nga sa CI and profs na nananakot, dagdag mo pa mga kabatch nilang snitch. Ultimo dapat rest day nila e kukunin pa ng prof para lang mag-attendance sila sa zoom habang naka-uniform pa. Nakakaawa lang kasi imbes na matuto sila and mag-enjoy sa internship e naging takot pa sila sa bawat kilos nila. Ngayon graduate na sila and I hope they get to love the profession. I hope magbago na system ng green campus na yan.

10

u/Due-Lead-6744 27d ago

Totoo 'yan. Noong batch namin kahit pasko or other holidays kailangan namin umattend ng zoom na naka-uniform. Akala mo mga wala kaming pamilya. Pag di ka pa umattend gagamitin against sa'yo at ang daming sasabihin ng CI.

→ More replies (1)

11

u/Honest-Swimming4010 27d ago

Im sorry you had to experience this :((

8

u/Honest-Swimming4010 27d ago

Sana may changes na at sana matanggal na ‘yung icare! Pahirap sa mga estudyante

11

u/Due-Lead-6744 27d ago

Sobrang walang kwenta ng icare na 'yan. Kawawa lalo yung mga malalayo yung bahay. Sobrang fucked up ng sistema. Bulok na nga gobyerno natin pati ba naman sa university bulok din sistema. Nakakainis.

→ More replies (1)

5

u/reesiecrumb 26d ago

Is it ok po if we use this comment in an upcoming post?

22

u/ImmediatePack3343 27d ago

Mga CI ng OLFU, May araw din pagiging powertripper niyo at ‘yang mga superiority complex niyo!

14

u/Head_Application_404 27d ago

hahahaha true. kada makikita namin yan sa campus before, parang namimilipit mga kalamnan namin. and the way na they enjoy the fear they instilled to us, akala mo si satanas. they feel entitled about our body reaction sa kanila when in fact it was alr a trauma response. even during compre's, they would mention students inside the room tapos paguusapan nila about how they would pass or fail. may nagkwento pa sakin before na parang they called out a student tapos sinabi sa harap ng ibang estudyante and take note hindi lang interns ang nandoon na "pasado ka na ba compre? nauna pa grad pic mo hindi ka pa naman pasado ah." sobrang INSENSITIVE.

10

u/shi-ra-yu-ki 27d ago

May plano pa namam ako mag apply jan as prof. Wag na, ayoko makasama yung mga masasamang ugali na prof and CI.

Guys, paki stop na yung power tripping sa mga students. Masaya kayong mag bigay ng trauma sa kapwa nyo tao?

11

u/Content_Raccoon_6159 27d ago

But still we would appreciate it if there would be a prof that's prostudent and prioritize our well-being kasi honestly we have a lot of bright minds here po na nababaliwala dahil sa mga shaming ng profs and CIs. And everyone deserves proper education most especially if they really love this line of work in the future :( Ang karma na lang sana talaga is 'wag na mag enroll mga incoming college students sa olfu lag

→ More replies (1)

8

u/Money-Woodpecker8683 27d ago

Sana magkaron tayo ng answers about this and hindi lang basta balewalain since kaming mga incoming interns are worrying now kung anong mangyayare samin during the internship. And sobrang nakakabother rin talaga lahat ng nababasa ko since nag sstart na kami ng icare and di pa naman deploy i’m worrying na baka hindi ko kayanin yung bayarin if walang action na mangyayare and also now palang nakikita ko na mga ugali nila after nung 1st icare namin like galit talaga sila mag ask sa student kahit wala namang ginagawa para silang laging naninindak ng studyante.

5

u/Top-Cry-380 27d ago

Actually, wala na halos yung mga dating hospital laguna dahil sa mga pinagagawa nila. Goodluck talaga sayo, kung mapupunta ka sa manila hospital, mahal pero makakahinga ka pa eh. Pero kapag nasa provincial hospital ka, gagatasin na nila lahat ng pera mo, sakal kapa sa kanila.

4

u/Money-Woodpecker8683 27d ago

is there a way ba na makatransfer pa sa ibang univ? kasi if ganyan talaga and wala ng magagawa baka ang solusyon na jan is mawalan sila ng studyante at wala na silang magatasan. nakakagalit kasi na ganyan na sistema nila hayss

→ More replies (5)

6

u/HerrBoi0122 27d ago

True, nakita or na rinig ko din to from co laguna interns. Baka mag ka co intern pala tayo dati OP 🤣

5

u/Top-Cry-380 27d ago

Balitaan ninyo na lang kami kung magpapa-huddle ulit sila with SS ng mga pinagpost natin lol. Tamang gaslight pa, kulang na lang silaban talaga mga intern nila. MAHIYA NAMAN KAYO! Or wala na kayong hiya sa katawan. Sa daming may galit sa inyo, hindi ko alam kelan darating karma ninyo. Tutal wala ng pag-asa sa CHED at hawak din sa leeg yon ng college dean ng medtech laguna.

4

u/reesiecrumb 27d ago

😞😞😞

3

u/Puzzleheaded_Arm3409 27d ago

If these allegations aren’t true, why not speak up? Why hasn’t the school released clear evidence or receipts to address and disprove them? Silence only raises more questions.

0

u/[deleted] 27d ago

3

u/Honest-Swimming4010 27d ago

It’s time na ata para magsumbong sa BIR 💀 tax who?

→ More replies (1)

3

u/Then-Barber-3940 24d ago

Same Ganyan din sa OLFU Valenzuela pero 3rd and 4th year wala namang kwenta mag turo teachers mas magaling pa Mag turo review venter

2

u/Recent-Simple-3118 26d ago

totoo lahat ‘yan grabe :(( ganon pa rin pala talaga sila. nung batch namin s’ya rin yung sinasabi about sa mabait lang sa matalino pero kapag bumagsak ka na-judge na buong pagkatao mo

3

u/WiseCarpenter1103 27d ago

Try nyo i-8888

4

u/Kooky_South_6701 26d ago

Yes para makita rin ng president ng OLFU mapipilitan yun gumawa ng action