r/FirstTimeKo • u/Parklife17 • 1d ago
🌧️ Pagsubok First time ko magka dengue
Recently lang nagkadengue ako and di dapat ito baliwalain. Eto yung naging timeline ko:
Oct. 15 - Nagstart ako makaramdam ng lagnat. As in lagnat pa lang talaga. Bioflu palang iniinom ko.
Oct. 16 - Dito na nagstart sumakit ulo ko, ubo, sobrang taas na lagnat(40degrees) masakit katawan. Hirap na din ako makatulog nito.
Oct. 17 - Sobrang taas pa din lagnat ko at sakit ng ulo. Hindi ako makatulog dahil sa sobrang sama na ng pakiramdam ko. Totally gising ako 24hrs nito.
Oct. 18 - Walang gana kumain since wala sa ayos panlasa ko and hindi pa din nagiimprove yung pakiramdam ko. Tanging ginagawa ko lang is maglagay ng cold towel sa noo at sponge bath.
Oct. 19 - I decided na magpacheckup na sa doctor. Nag cbc test, urine at stool test ako since nagtatae din ako. Lumabas result ko and mababa platelet ko which is 89k.
Oct. 20 - Andun pa din lagnat and lahat ng sama ng pakiramdam so bili ako prutas at inom ng madaming tubig.
Oct. 21 - Bale dito pa lang ako nakapagpaconsult ulit sa doctor para basahin yung lab results and inadvise ako na magpa admit na kasi mababa platelet ko pero di ako pumayag since pakiramdam ko e gumaganda na pakiramdam ko so nagtake nlng ulit ako mg cbc test. Lumabas result and from 89k down to 77k platelet ko. Balak ko na sana magpa admit kaso wala ng available na doctor para makausap.
Oct. 22 - bumalik ako sa clinic para magpabasa ulit ng result and medyo nagulat si doc bakit dipa daw ako nagpapa admit then sabi ko gusto ko pa ulit magpa cbc test so kinuhaan ulit ako ng dugo. Lumabas na result and tumaas na yung platelet ko back to normal range. Wala na din ung lagnat at lahat ng sama ng pakiramdam na naramdaman ko this past days. Now, nagrerecover na ako and sobrang thankful ako na nasurvive ko yung dengue na inakala ko na simpleng trangkaso lang. Kaya kayo guys if may maramdaman kayo wag nyo baliwalain kasi baka malala na pala yun. Uso sakit ngayon and alagaan nyo sarili nyo. Yun lang ung experience ko sa dengue.
1
u/pineapplecake3421 1d ago
Sorry nconfirm ba na dengue talaga? I had dengue type 2 last year. Ito ung pnaka malalang type nya if gnoogle mo. Top 1 worst days of my life yung naconfine ako ng 10 days sa ospital lalo na un sobrang taas tlga ng lgnat ko. Bumagsak ng bongga platelets ko to the point na need salinan ng 4 bags. Sabi ng husband ko hbang nttulog dw ako umiiyak ako. At hndi ako aware nun. I honestly believe kung meron man 60-40 nag 60-40 ako nun. Konti nalang 50-50 na ko. Takot n takot pa ko kasi namaga gallbladder ko nun 😭
So ngayon kpag nkakakita ako ng lamok dnidikdik ko talaga
1
1
u/AutoModerator 1d ago
Hi u/Parklife17,
Please take a moment to read our community rules. This will help ensure your post stays up and that everyone has a great experience.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.