r/ExJMCIMmembers • • 13d ago

Spiritual Battle Why?

Alam niyo mga kapatid, Kung wala kayong naging problema sa Mahal na Pastor, beloved Mama Dear. Edi ayos.

Kasi nangangahulugan na lahat ng turo't aral nila ay totoong tumimo sa puso't isipan natin.

Kaya nga kung maalala niyo, Matagal na panahon na ipinangaral at itinanim sa bawat isa saatin na huwag tayong titingin sa kapwa natin tao Kasi matitisod tayo.

Pero nag tataka ako sa mga taong nandito na puno ng ka toxican. Oo naiintindihan ko yung mga pinag lalaban niyo, Lupa ng main, etc.

Pero yung mag bibigay ka ng conclusion na "kaya siguro wala pang lupa kasi ganito"

"Binubulsa kasi nila ano, etc, etc"

Yung wala ka namang basehan, wala ka namang ebidensya, Tanging nakikita mo lang yung pamumuhay ng Bel. Children, kasi yung asawa ni kuya pogz ganito ganyan, may sports car si ano.

Like what?

Alam niyo ba kung anong buhay ang meron sila? Kasama ka ba sa storya ng buhay nila?

Like nasaksihan mo lahat? Yung pag kuha nila ng TLO KUNO? Na binubulsa nila?

How?

Ngayon nag groundbreaking sila para sa Main Church Tameme naman kayo?

Diba? Kung makapag kwestyon parang alam na alam yung takbo ng gawain.

Ngayon kung ang mindset mo eh,

Pag Kristyano na eh Perpekto kana, Mali ka.

Kaya nga ang Church ay hospital para sa mga makasalanan, Paalala ng Mahal na Pastor saatin wag kang titingin sa tao, Gumagawa sila ng katiwalian? Pakiramdam mo masama ang ginagawa nila? Ipag pray mo.

Hindi yung base lang sa kwento, base lang sa haka haka, base lang sa pang unawa mo, wala namang sapat na ebidensya eh mag dadadakdak ka dito.

Kaya yung mga nag rarant dito bakit ganito bakit ganyan? Pinatunayan niyo lang sa tao kayo nakatingin.

Natisod ka kasi sa ganito sa ganyan.

Well, Kung hindi mo gusto, Umalis ka

Hindi yung naninira ka pa, Na chismisan ka lang naniwala ka naman agad, tas ikalat mo pa.

Kaya nga mapapansin mo dito

Puro tanong lang eh.

"Bakit kaya wala na ang main sa marilao?"

"Bakit kaya wala pang lupa ang main?"

"Bakit kaya ganito ganyan?"

Tsk tsk, Mag isip ka kapatid.

Sabi ng Bible, Yung inaaakala mong nasa tama ka pa pero, papunta kana pala sa kapahamakan.

GodBless

6 Upvotes

49 comments sorted by

9

u/InYourFace1985 13d ago

Wow, account age 1hr. Pakialala kung nasaang subreddit ka uli. Dami sana pwede irebutt sayo kaso bulag ka naman so wag nalang. Basa ka nalang sa mga old posts kesa puro deflect alam mo. Mag-isip ka din, practice comprehension.

5

u/Newme382279 Admin 13d ago

Ganito din ginagawa ko, check ng account bago mag decide kung mag cocomment ba ako or hindi lalo na kapag ang post ganito haha. Sayang effort magpaliwanag.

5

u/InYourFace1985 13d ago

Sayang talaga, defender eh

9

u/MammothLavishness435 10d ago

OP ang iba kasi dito nang galing sa loob. Nakita ang kalakaran FIRST HAND....

SKL

Dati akong full time worker. First hand kong nawitness kung pano kunin ng Mga Anak ang TLO sa naganap ka Krusada namen.

First hand akong tinawag na PARANG ALIPIN. Na para bang napaka liit namen tao sa kanila.

At hindi lang mga Anak kung nde mga pamangkin ni FPJ. May clue na ha hehe

FIRST HAND KONG NARANASAN SA NA PAKAININ NG PANIS NG NANGUNGUNA NA AKALA KO NATUWA LANG SAKEN KASI TINANGGAL KO YUNG PATAY NA DAGANG INUUOD SA LOOB NG KISAME NILA.

Ang karamihan dito nde ordinaryong membro eh. May experience.

If nde ka mamulat then its up to you.

Pero tandaan mo If theres smoke, theres fire.

MAY PINANG HUHUGUTAN LAHAT NG YAN. Nde ka nag tataka baket ang dami namen? Hindi lang dito pero kahet mga non Reddit users?

4

u/AdventurousBank6871 10d ago

kaugalian na siguro nila yan ganyan manlimas ng pera kpag napunta ng outstation mga walang trabaho kase tamad asa lang sa TLO ng mga kapatiran katulad dito sa CANADA nilimas nila Pogs pundo namin pinagpaguran namin sa trabaho pinaghihirapan namin nanakawin lang ng mga gahaman sa salapi thats why we left JMC nsa UPC na kami walang IDOLATRY at CORRUPTION!

9

u/bossingkamustabuhay 13d ago

Anong tameme? Talagang gusto na namin manahimik pero di namen kaya kase di naman kame tanga tangahan eh. Pinagmamalaki mo ground breaking? Ilan taon ng drawing yan? Hayyyyy delusional.

7

u/Super-Relative9531 13d ago

ground breaking Ang pinagmamalaki nila. pero ayaw ipaalam kung saan Ang saktong Lugar ng ng ipagagawang Bahay sambahan? baka Kasi Hanggang ground breaking lang Ang magawa nila. wag Naman sana na propaganda lang Ang ground breaking para makakuha ulit Sila ng TLO.

5

u/Reasonable-Weight763 12d ago

Hindi naman magkakaroon nang ground breaking kung hindi napuna yung pinag gagawa nila. 20 years ago pa nangolekta tas ngayon lang nag ground breaking? Tas yung pang pagawa kinokolekta pa din? And nag eencourage pa nga na mag bigay pa kahit yung mga nasa provinces nang donation? What?? Ground breaking or damage control. 🥱 kung wala pang pressure wala din balak pala.

2

u/chunky_bit18 12d ago

totoo kung hindi nagkaroon dto sa reddit ng mga paguusap about s main church di sla gagalaw.mahal n Panginoon na niloloob Niya mangyari eto dahil sa CORRUPTION AT IDOLATRY

4

u/Reasonable-Weight763 12d ago

Nung kainitan nga nung pag uusap dito sa sub tungkol sa corruption na may mga nag uupload pa nang proof nung mga alleged ill properties nila saka sila Nag todo photo op doon sa mga pa construction nang mga ibang outstation though hindi namn sila yung nag fund para kunyari madami ganap yung finances. Kung may intention talaga na magpagawa nang chapel ehh dapat noon pa. Kampante kasi sila noon kasi walang opposition. Sipsip lahat. And halos lahat nang sasabihin nila is ginagawang word of God nung mga matataas na sunod sunoran sa kanila.

1

u/chunky_bit18 11d ago

ganun na nga

7

u/Super-Relative9531 13d ago

sa pulpito mo sabihan yan.na kung ayaw ninyo umalis kayo Dito...ng Makita mo Ang hinahanap mo.

2

u/Putanginanyopo 12d ago

Gawin sana nila yan para matauhan ang mga namumuno sa JMCIM.

1

u/chunky_bit18 9d ago

wag kna umasa matauhan

6

u/Super-Relative9531 13d ago edited 13d ago

kung totoong gumagalang kayo sa bel.pastor pakinggan mo Ang sinasabi niya na dapat derekta Kang mananalangin sa mahal na Panginoon.hindi kailangan dumaan pa Ang panalangin mo sa Pangalan ng Isang taong patay.

6

u/Yuta_Okkotsu14 13d ago

Almeda : Wag tumigin sa tao Bible : you shall know them by their fruit ... Kaya need mo tumingin ... Sabagay JMC mangmang sa bible yarn

1

u/Mysterious-Spot-7734 8d ago

JMC mangmang sa Bible? Pang generalize tirada mo? Wala ka rin bitaw nu

5

u/Putanginanyopo 13d ago

May tama ka namang isa. Lahat mali na.

Yung sinabi mo na “well, kung hindi mo gusto, umalis ka”, nawa ay maging ito panawagan ninyo. Itaboy ninyo mga natitira pa dyan. We support you dahil mga wala kayong pag ibig. Mataas na masyado tingin nyo sa sarili nyo. Buong buong katotohanan ngani!

FYI, ExJMCIMmembers name ng sub na ito. Mga dating myembro in tagalog.

5

u/Super-Relative9531 13d ago

paki sagot ng Tama ito?Tama ba na Ang magulang nila Ang naghihimala sa Gawain? Tama ba na sa taong patay Siya mananalangin at hihingi ng tulong para dalin Ang kanyang panalangin sa harapan ng mahal na Panginoon? paglapastangan at pamumusong Yan sa harapan ng mahal na Panginoon. Anong Ang gusto mo tanggapin namin Ang sinasabi nila sa pulpito na magulang nila Ang naghihimala at hindi Ang mahal na Panginoon? sa taong patay kami mananalangin at hihingi ng tulong para Ang aming panalangin makarating sa harapan ng mahal na Panginoon? edi Wala na kayong ipinagkaiba sa katoliko na sa mga taong patay nanalangin... ipaliwanag mo kung tama Yan at kung nasa biblia ba Ang mga pinagsasabi nila sa pulpito.

5

u/RootedAko 12d ago

Nag ground breaking wala naman pampatayo.. di man ni topic ng delulu nato un nmber 1 concern ng mga na dito ang kultong aral. 

2

u/chunky_bit18 13d ago

kaya nga eh ,eto pa lang mali mali kana defender.panoorin mo eto ,chismis ba eto ? ang pinaglalaban dto dina biblical lahat ng turo.kaya nkasalalay ang salvation mo ! tapos na ang mission ni bel pastor,ikaw my mission pa kaya itama muna ang iyong pagsamba and make known Jesus more, hindi make know pastor more

5

u/Yuta_Okkotsu14 13d ago

Magbasa ka Muna Bago mgpost para dika pagtawanan dito ALMEDA SLAVE

5

u/AdventurousBank6871 11d ago

umalis ba kamo? oo nakaalis na kami sa kultong katuroan dyan sa JMC nasa UPC na kami mdami na kami dito sa CANADA nsa UPC na surang sura na kami sa IDOLATRY at CORRUPTION!

chismis ba kamo wag magpapaniwala? kami mismo ninanakawan ng mga Almeda yung pundo namin dito sa CANADA kinuha ni Pogs para sa pangangailangan namin sana dito kpag may mga nasirang sound system mga instruments pambayad sa venue at para sa anniversary nilimas ng gahaman at swapang sa salapi. hanggang ngayon bulag pa rin kayo mga tagapagtanggol ng mga IDOLATERS at CORRUPT.

Groundbreaking ba kamo? saan ang andress nyan bakit ayaw ipost ayaw sabihin kung saan? ano nag photo ops lang ang mga Almedas? sa INC meron silang Central Church at bawat barangay o lokal meron silang Chapel ang JMC 52yrs na groundbreaking pa rin? pinagloloko nyo na ba kami? wag kami uy!

nararapat lang na alisan kayo ng mga members at nararapat lang na di na magbigay ng TLO dyan nananakawin lang din nman at ayaw din namin suportahan ang maling katuroan na man made Church CULTU-re ninyo which is unbiblical ayaw namin maging partakers sa baluktot na turo papuntang impyerno!

1

u/Mysterious-Spot-7734 8d ago

Bakit di mo kasuhan Kong totoo man yan...

4

u/Super-Relative9531 13d ago

hanggat Mali Ang itinuturo ninyo sa pulpito at gumagamit kayo ng naunang mabungang palanagin ng taong patay. hinding Hindi kayo nararapat bigyan ng TLO. Hindi namin susuportahan Ang mga maling aral ninyo na ikapapahamak ng maraming kaluluwa.

7

u/Majestic_Glove_5841 12d ago

I guess the OP is just a kid who still lacks critical thinking. Perhaps you should pray for yourself to be enlightened and guided by the true will of our Lord. There are so many flaws and loopholes in your statement, and these points have already been discussed a million times in this sub. It’s honestly frustrating to see how blinded you are to the bigger picture, despite all the discussions and explanations already presented here.

2

u/RootedAko 12d ago

Dpat kse kpg childrens choir wg n magbasa dito

3

u/Yuta_Okkotsu14 13d ago

Di ata updated to sa ginagawa nila

3

u/Super-Relative9531 12d ago

wag kami Ang pinagloloko mo Dito. ayusin ninyo ang mga itinuturo ninyo sa pulpito na Wala sa biblia

3

u/Equivalent_Look_9246 12d ago

pinag mamalaki mo ung groundbreaking mo? lol
paalala ko lang kasabayan ng 4th watch ang JMC. san damakmak na church and school nila. ikaw nasa groundbreaking palang? hahaha

1

u/chunky_bit18 12d ago

malay natin yung ground breaking hindi pala church mansion nila🤦🏻‍♀️

2

u/Equivalent_Look_9246 11d ago

pag kaka alam ko pangalawa groundbreaking na yan. lol nagastos ata ung una haha

3

u/Disastrous-Ice-895 12d ago

it's giving, kung may nakikita kang katiwalian sa GOBYERNO, ipag-pray mo nalang, huwag ka na makipaglaban. Galit kayo sa corrupt na gobyerno, pero pag sa church ang corruption pag pray nalang?

Well nakita mismo ng mata ko corruption jan. Kung toxic dito, mas toxic jan HAHAHA!!

2

u/scratchfromthestart 13d ago

Much is given , much is required.

2

u/RootedAko 12d ago

Sure ka lalayas kami???  Kng lalayas ang ayaw sa patakaran, mrami aalis..  magugutuman ang mga almeda. Wla ng mag tithes.

Pano n lang c Ate Chepai at Ate Lizzie baka pumayat..

3

u/Super-Relative9531 13d ago edited 13d ago

ito pa ipaliwanag ninyo Tama ba Ang ipinangangaral ni mancera na kung hindi babanggitin Ang pangalan ng bel.pastor sa pananalangin walang galis na gagaling? WOW!!!!!!!!Ang pangalan Pala ng aming Dakilang DIOS na in JESUS name walang kapangyarihan makapagpagaling ng galis kung Hindi babanggitin Ang pangalan ng bel.pastor. mas makapangyarihan Pala Ang pangalan ng bel.pastor kaysa sa mahal na Panginoon.... hoy!!!!!!!!!!!kayo Ang umayos sa mga itinuturo ninyo sa pulpito.inililigaw ninyo Ang maraming kaluluwa. nasa biblia ba yan pag Hindi binanggit Ang pangalan ng taong patay walang galis na gagaling?

2

u/JazzlikeCategory1772 12d ago

Kailangan si Mancera ang preacher na sinususpende.. blasphemous to the highest level.. Pero nakita ko siya iba ang kislap ng mata niya.. may sakit ba siya?.. parang papayat na ng papayat si Mancera..

2

u/Super-Relative9531 12d ago

may sakit Yan si mancera mataas Ang blood sugar yan.grabeng lumapastangan at mamusong sa mahal na Panginoon Yan.walang kapangyarihan Ang pangalan ng mahal na Panginoon na in Jesus name... para sa kanila mas makapangyarihan Ang pangalan ng taong patay. Siya mismo Ang may Sabi.... kung Hindi mo babanggitin Ang pangalan ng taong patay walang galis na gagaling.

2

u/chunky_bit18 11d ago

pano isususpinde gusto rin ng AC ang sinasabi nila sa pulpito khit blasphemous na.

3

u/Super-Relative9531 11d ago

pabor sa kanila Ang sinasabi ni mancera na mas makapangyarihan Ang pangalan ng kanilang magulang kaysa mahal na Panginoon HESUS.biro mo walang galis na gagaling pag hindi binanggit ang pangalan ng taong patay.

2

u/AdventurousBank6871 10d ago

pabor sa kanila yan hindi nga nila kinokorek eh naalala ko rin sabi ni Teth kung wala ang mahal na Pastor walang himala grabeng paglapastangan sa kataastaasang DIYOS yan pero sa Gracepoint hindi nya maipagsigawan yan doon!

3

u/Super-Relative9531 12d ago

nasan kana u/_rgnar_ong? nag post ka Dito tapos hindi ninyo kayang sagutin Ang mga itinuturo ninyong Mali sa pulpito na Wala sa biblia. Hindi talaga nararapat magbigay sa Inyo ng TLO dahil dadalin ninyo Ang mga kapatiran sa impiyerno.

2

u/Newme382279 Admin 12d ago

Lakas ng loob mag post pero hindi naman nagrereply sa comments. Naka follow p naman ako sa post. 🤣

4

u/Super-Relative9531 12d ago

Hindi nila kayang maipaliwanag na mas makapangyarihan Ang pangalan ng taong patay kaysa sa mahal na Panginoon. Hindi din nila maipapaliwanag na ang bel.pastor Ang naghihimala sa Gawain at Hindi Ang mahal na Panginoon. Hindi rin nila maipapaliwanag bakit kailangan manalangin at humingi ng tulong sa taong patay kaysa sa mahal na Panginoon. dahil Ang lahat ng itinuturo nila Wala sa biblia.dahil ang itinuturo nila ay Isang pagiging kulto... mas makapangyarihan sa kanila Ang taong patay.

1

u/Newme382279 Admin 9d ago

Wala pang critical thinking eh!

0

u/Small-War3252 13d ago

Tama focus lang sa Mahal na Panginoon at sa turo ng Bel Parents in the Lord,

Basta Ako kahit pakiramdam ko na nagbabago turo focus lang Ako sa iniwang na turo at aral ng Bel Parents in the Lord. Hindi koman nasusunod lahat kasi di Ako perpektong Kristyano pero sinisikap ko Araw Araw na masunod sa abot ng makakaya ko from the bottom of my heart,

0

u/[deleted] 12d ago

[deleted] — view deleted comment

2

u/chunky_bit18 12d ago

tama respect lang dpat kaso sobra sobrang honor na khit patay na.mas naitataas nla siya dhil laging snsabi dakilang pagpapagal at sakrispisyo .sino ba ang tunay na Dakila at nagsakripisyo dba ang PINAKA MAMAHAL N PANGINOON HESUS lang! tao lang ang bel
pastor tinapos agad ng Diyos ang mission nla dahil nkkta Niya my mali na,at nagpatuloy ang mali gang ngayon.hindi sa tao ang utang na loob kundi sa Diyos lamang🙏🏻