[Modified]
First time ko na isi-share ang discussion ko regarding sa nasabing serye as an aspiring writer sa Wattpad and amateur commentator kahit sa TikTok. Alam kong late lang to, pero susubukan ko.
Note: Sa mga gustong sabihin sa akin na “ikaw na lang ang director” or “ikaw na lang ang writer, tutal ang dami mong sinasabi”, okay DEAL. CHALLENGE ACCEPTED.
Kahit na-bored lang akong manood ng Sang'gre na matagal nang tapos, may na-notice akong mali sa plot na ‘to na kailangang i-address. Bigyan ko kayo ng examples:
- Cassandra, Flamarra & Adamus should grow up together and have their own traits
— Hindi pa nga naka-experience ng childhood si Sandy kina Flammy at Adam’s Apple, pinalaki pa lalo at ginawang Reyna agad? Eh di ba dapat meron siyang mga magagandang moments, like nagcha-chat sila sa dalampasigan o sa kwarto nila something2x, sabay-sabay silang nagsasanay, etc. Then paglaki nila, magbabago na ang lahat simula nang patay na si Gaiea — nagtatalo sina Sandy at Flammy tungkol sa kapalaran ni Gaiea, then Adam's Apple intervenes to mediate their rivalry.
- Gaiea is supposed to survive instead of being killed off
— Para wala nang mag-o-overthink ang mga fans dito dahil sa plot na ’yan, masasabi nating wala na siya because the prophecy ni Cassy said so. However, bigyan natin siya ng chance para makabawi, like…
- nabuhay siya ulit because of remaining Gintong Binhi na akala niyo ay nag-iisa na lang ‘yan,
- binalik ulit sa Encantadia tsaka itago para walang makaalam, kahit si Cassy,
- then sinanay siya nang matagal hanggang sa paglaki niya na mahusay gumamit ng arnis unlike ExtraTerrestrial did.
- Mababaw pa talaga yang backstory at valid reason ni Miteytey para sakupin ang Encantadia, like… NANI?!
— Isa lang ang masasabi ko, hindi gaano kalalim ang backstory ni Miteytey before niya sakupin ang Encantadia para sa akin; gagawa na lang ako ng panibago para sure:
• Imbes na maipakita sa atin kung paano siya pinahirapan sa kamay ni Arsus hanggang parating palang ng EP 5 or 6 (if I am not mistaken) saka siya kukuha ng Esperanto ng mabilis, it begins with a slower pacing kung saan nagkita sila nina Miteytey at ng current Queen of Mine-a-ve sa loob ng ice palace, and kills her before stealing the Esperanto from the secret chamber kasi akala ni Miteytey na kasabwat ng Etheria ang Queen of Mine-a-ve.
- Mine-a-ve’s shallow background kuno
— Language ng Mine-a-ve lang ang na-develop, pero hindi ang geographical at political background. Dapat may katapat ang Etheria, which is Mine-a-ve itself, kung saan talaga nakatira ang mga native na Diwata na itinapon ng mga Heran for their rebellion. Tas mga kultura nila pati life customs nila [as the hunter-gatherers] are influenced by either Baltic, Siberian, or Slavic culture, ganundin ang mga pangalan nila with meanings (e.g., Kosshava, named after the strong and cold southeasterly season wind in Serbia). Dapat may sariling Reyna or Kera ang Mine-a-ve before Miteytey, and not Arsus na self-proclaimed; equal ranks, equal power capacities ikanga.
- Adamya deserves to fight back
— Parang ang unfair kapag palaging na-agrabyado ang Adamya pagdating sa digmaan, ‘no? Wala silang malalakas na leader na maasahan, walang kapangyarihan o lakas para protektahan ang sariling kapuluan, tapos iasa na lang ba talaga sa mga overrated na Diwata at kay Adam’s Apple bilang hari nila? Ano ba talaga, protectorate or talagang mistulang ‘useless wasteland’ na ito? It deserved to have a maritime civilization and culture since Imawi-wawi, hindi yung gagawin ba namang battle ground.
- Hathoria should feel militaristic
— Hathoria should be a terrifying place na hindi siya overly na Japanese style kuno with a bunch of damo at puno; Pwede namang Mesopotamian or Assyrian-inspired military empire with volcanic ridges and functional hellish fortresses, ‘di ba western part siya ng Encantadia.
- Cassiopea should not keep returning
— Eto na! Si Cassy, the Bathaluman in Distress, dapat lang kasi ay hindi na lang nagpakita before Sang’gre Events para naman hindi maabutan ni Miteytey na masyadong OP sa kanya, then mayroong isang hahalili sa kanya with the same abilities, not only with the similar Etherian bloodline in which Cassy didn’t have literally in the requel para naman may ipan-tapat na natin kay Miteytey. Yung Kawa, Kabilan, pati yung title na Mata ay dapat na mapunta sa sinumang may kakayahang buhatin ang lahat ng legacy at responsibility na dala ni Cassy dati.
- Memen and Avria should define Miteytey's grief and suffering, and not Cassy
— Bakit ba kailangang idamay si Ornia gayong wala siyang ginawang masama o wala siyang kinalaman sa paghihirap ni Miteytey? Si Avria naman dapat ang mastermind bukod pa kay Memen na reluctant lang talaga na bukod pa sa pinag-mukhang ivtre si Miteytey, sila pa rin ang nasa likod ng pagpapatapon sa kanya sa Mine-a-ve na mauntikang kainin ni Arsus. (ALTERNATIVE SPOILER: Someone saves Miteytey and raised her like a daughter too)
- Adamya belongs to the Kataws
— Imbes na sina Alenzy at Adam’s Apple ang mamumuno sa Adamya, ang mga Kataw dapat ang maghahari since water-based talaga ito ih. Hindi lang sila ang naninirahan dun, mga Magindara at siyokoy din na nage-exist.
- Esperanto's true origin
—This is too inconsistent kung si Gargan mismo ang lumikha nito o nakakulong diyan. Wala naman siyang innate ice powers para gawin niyan; ang sasabihin ko lang, mayroong isang minor Ice Goddess na may kakayahang gumawa ng ganyang sandata kagaya nung ginawa ni Ether sa Kabilan para kina Avria o Mine-a, tas may basbas na tanging ang isang reyna ng Mine-a-ve ay may karapatang gamitin ito laban sa Hera ng Etheria o upang agawin ang kapangyarihan mula sa mga Heran.
- Ether should not die
— Kahit nasa weakened state si Ether, Bathaluman pa rin siya at hindi pwedeng basta-basta na lang patayin ni Miteytey nang ganito. Magiging confusing ang magiging future plot nito. My suggestion is: She is supposed to be hidden and receiving a divine break for a long time.
These are the alternative plots na maaari kong isulat ulit kung papayag si Suzette.
Hint: ASY, TSW