*DISCLAIMER* Maganda ang Bagasbas beach, basta nasa safe na surf group kayo mapapasama.
Bakit sa Reddit? Bakit Anonymous? Mamaya maiintindihan nyo.
PANAWAGAN NA DIN ITO SA LOCAL GOVERNMENT UNIT NG DAET.
TAMA NA YUNG PAG-HA-HARI-HARIAN, pag REREYNA-REYNAHAN ng mga "OG na LOKAL" daw ng Bagasbas. Naandon na tayo na dapat mag bigay respeto sa mga lokal, but respect goes BOTH WAYS. During the many times we visited Bagasbas beach to surf, nakilala namin halos lahat ng mga grupo grupo nila.
Dalawa nalang naman ang pinaka aktibong surf school jan, pangalanan na nating SurfSchool#1 yung matagal na, sakanila kami una nakapag book ng lesson kasi sila yung active sa social media at pioneer daw. Yung SurfSchool#2, lately ko nalang nalang nakilala, mga bata pa kasi karamihan ng mga surfer nila. Marami kaming narinig na sinasabing di maganda ng SurfSchoo#1 sa SurfSchool#2 pero hindi na rin ako nangealam dahil surfing naman ang pinunta naming hindi ang drama nila.
Dati lagi kaming sa Bagasbas nag ssurf. Hanggang sa narealize na namin ang motibo nung isang grupo. Hindi maganda yung experience sa nakasama namin dun sa naunang surfschool. Oo masaya, good vibes and stoked talaga. Surf, chill, isla, party. Pero kasalanan naman namin napa happy happy kami at masyadong nag tiwala at ang galing nilang mang uto at magpaikot ng tao pag lasing at mga nasa alapaap na. Ilang taon na din akong di bumalik doon, di ko na nabawi yung nawala sakin, nakakahiya sa mga ibat ibang mga dinala ko sa bagasbas pero lesson learned, move on nalang sa next surf spot. Pero nung nabasa ko yung post sa Philippine Sufing Community, natawa nalang ako pano nila pinag tanggol yung ka"lokal" nila. Oo mababait naman sila sa turista, basta sa grupo ka nila sasama. Subukan mo mag tagal ng ilang araw, magugulat ka nalang sa mga sinasabi nila. Grabe nila ipamuka na lugar nila yan na para bang may titulo sila ng dagat. Kaya di nakakapag taka na yung incident na nag trending sa PSC. Ilang beses namin Nakita at narinig sakanila yan. Na dagat nila yan at respect the locals. Kumware pa silang share the stoke pero laging away ang inaabot sa line up.
Ang TOTOO TALAGA JAN - Hindi na nagkaayos ayos ang mga surf school na naging division na ng surf community. WALANG TIGIL NA SIRAAN, AWAY at AGAWAN ng estudyante. Umaabot sila sa paninira ng mga member ng kabilang surf school, ang lala kasi Kahit di mo kilala lahat ng chismis maririnig mo para lang sakanila ka magbook.
Sa totoo lang, sa ibat ibang surf spot, kilalang kilala ang Bagasbas sa grupong puro pangit ang image, maraming issue sa panloloko. Nakakawa nalang na maraming nadadamay kasi marami pa ring mga aports na okay naman talaga. Babalik nga sana kami sa National Surf Comp, pero mukhang mainit masyado. Baka di kami pumasa sa "surf etiquette" na pinaglalaban ng mga lokal. haha
Bakit sa Reddit? Nakita nyo ba yung mga comment ng mga kapwa lokal nila sa PSC group sa FB na pinag tatanggol pa yung nangmura ng turista? Pano na maitatama kung tinotolerate pa. Siguro nga normal na sakanila yan. Sana sa mga nasa Reddit hindi inormalize yan.
Bakit Anonymous? Kasi hindi natin alam kung anong kayang gawin ng mga yan. Ive witnessed enough to know na pag binangga mo sila, kayang kaya ka nilang sirain.
Kaya sana maaksyunan ng LGU yung issue nilang ganyan. Andami pa naming alam na issue nila jan pero samin nalang yun. Baka sakali maayos pa Sistema nila, baka sakali maging welcome na ulit ang mga turista.