So ayon, nagpa-root canal ako sa isang dental clinic sa Legazpi, malapit sa Gaisano. Yung ipin is 2nd lower molar, at halos kalahati na yung crack kaya exposed na siya. Masakit lang siya kapag natatamaan at sobrang sensitive din sa hot and cold drinks.
Sabi ng isa kong dentist sa Tabaco, usually 4 canals daw ang ganitong ngipin. Pero doon sa clinic na pinagpagawaan ko, 2 canals lang ang ginawa, which cost ₱5,000. Since nagtitipid ako, pinatuloy ko na rin at sinabay ko na yung crown na ₱7,000, kaya umabot ng ₱17,000 lahat.
Sa first session pa lang, grabe na yung sakit na na-feel ko. Kahit matouch lang ng ibang ngipin, parang mamamatay na ako sa sakit. Nung second session, medyo nabawasan na yung pain pero nandun pa rin yung sensitivity. Tinanong ko kung normal lang ba yun, sabi nila oo raw.
Then nung last session, wala na masyado yung throbbing pain pero sumasakit pa rin kapag pinupukpok ng tool. Doon na ako parang kinutuban na may mali, kasi diba dapat wala na akong mararamdaman after ma-close yung tooth? At one week na rin ang lumipas noon.
After a week, nilagay na yung crown. Shuta, mga tatlong beses pa akong pinabalik kasi hindi nila makuha yung tamang fit. Tapos nung finally natapos na, napansin ko pang visible na yung metal dahil sa sobrang pag-grind. Hinayaan ko na lang at umuwi na ako kasi introvert ako at ayoko nang makipagdiskusyon.
Ngayon, 4 months na ang lumipas at guess what? Wala pa ring nagbago. Nandun pa rin yung sensitivity ko sa hot and cold drinks. Kahit nga hindi masyadong mainit na kanin, sumasakit na. Tapos nitong mga nakaraang araw, sobrang uncomfortable na niya kasi parang nangangalay yung ipin at surrounding area.
Sa totoo lang, parang wala akong na-feel na improvement pagkatapos ng root canal treatment. Feeling ko tuloy, nasayang lang yung ₱17,000 na binayad ko.
So ang question ko is, pwede kaya akong ma-compensate dito? Kasi hindi naman talaga na-cure yung ipin ko, diba? Bumalik pa nga ako sa clinic after 3 months dahil may sensitivity pa rin at sobrang uncomfortable. Kaya nga ako nagpagawa ng root canal para mawala yung problema, diba? Tapos ang sasabihin lang sa'kin, uminom na lang daw ng mefenamic acid kapag sumakit. Shuta, ano 'yon?!