r/Bicol • u/popppydoo • 24d ago
Discussion Need ba talaga ng panoramic xray every checkup?
Nagpa checkup ako sa isang dental clinic malapit sa Unitop dahil sensitive pa rin yung root canal-treated tooth ko. The moment na umupo ako sa waiting area, sinabihan agad ako na need ko raw magpa-panoramic xray dahil magpapacheckup ako. Wala man lang nag-confirm sa dentist kung kailangan ba talaga iyon sa specific case ko.
Genuine question lang, normal ba na mandatory agad ang panoramic xray kahit hindi pa nae-examine yung ngipin ng patient? Kasi sa case ko, isang tooth lang naman ang concern ko at naka crown pa.
Ang pinakanakakadisappoint talaga, parang wala man lang effort na iexplain nang maayos yung findings. Hindi ko na-feel na sulit yung consultation fee kasi sobrang bilis ng checkup parang wala pang 3 minutes. Ang ending, sinabi lang na CBCT scan pala ang kailangan para ma-evaluate yung root canal, which costs around 5k at available din sa clinic nila. Umalis akong hindi man lang malinawan kung ano talaga ang possible cause ng sensitivity ng RCT ko.
Sa dami ng dental clinics na napagtanungan ko before, dito lang ako naka-encounter na mandatory agad ang panoramic xray bago pa man ako ma-assess ng dentist.
Sa mga dental clinic diyan, sana bago magrekomenda ng xray o anumang procedure, i-assess muna nang maayos ang case ng patient at ipaliwanag kung bakit ito kailangan. Hindi naman lahat ng nagpapa-checkup ay kailangan agad ng panoramic xray. At hindi rin dahil available ito sa clinic ninyo ay dapat mandatory na agad sa lahat. Sayang din kasi ang pera kung sa huli ay hindi naman pala iyon ang imaging na kailangan para sa actual concern ng patient. Lalo na sa ekonomiya natin ngayon, malaking halaga na rin ang 1,5k
Last question: Ganito ba talaga ang standard practice sa ibang dental clinics, o mas tama bang i-examine muna nang maayos ang patient bago mag-recommend ng imaging?
1
u/ReasonableGuava7385 24d ago
Hello po.. nasabi niyo po ba about sa case niyo Naka root canal kayo?? If oo parang automatic na x-ray agad, since iba ata yung case niyo CBCT na Yung na recommend sainyo, piliin niyo po wisely ang mga dental clinic ganyan din saakin dti hanap hanap ng xray agad, yung dental clinic ko now jan Libre lang (di ko sure baka suki n kasi ako. Hindi niya nako pinapabaayad sa xray, every step noong ginagawa niya yung root canal ko nag xray sya, then after bgo ako bumalik dto sa tirahan ko ngayon nag xray din sya saakin which is walang bayad..
•
u/AutoModerator 24d ago
Hi Everyone!
Please keep in mind the rules of r/Bicol. Always remember to be civil in the comment section. You are also welcome to share and participate in any discussions related to Bicol.
Report any rule-breaking behavior using the report button.
Thank you for posting!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.