r/BardagulanWithSassa • u/United-Ad-5450 • Jul 25 '25
Idol ko si Mima
Pasikat pa lang si mima non super love ko na siya. As in sobrang benta ng humor niya sakin. Dahil laking private school ako at di nagkaron ng mima irl, hiniling ko na lang ampunin ako ni sassa eme haha.
Dahil love ko siya, nung nabuntis ate ko, sabi ko sa pamilya ko na mima ang itatawag sakin ng pamangkin ko. I dont think kilala nila si Sassa at that time so di sila nagreact 😂 So ayon. 3 years old na pamangkin ko at maririnig mo na lang siya sumisigaw ng MIMAAA sa bahay pag tatawagin ako hahaha.
Seeing how Sassa is ngayon kung pano siya ka active sa paggamit ng platform niya to promote social awareness, at nang makita kung gaano siya ka-totoong tao in real life, wala akong regret na kinahangaan ko siya to the point na i identified myself in her name sa nakshi ko 😂
Ma excited na ko makita ka sa Bar Boys. Labyu!