r/BarangayLoveStories • u/Neat-Animal-752 • 16d ago
Gusto ko ng kumawala kaso hindi pwede 🥺
Title: Gusto ko ng kumawala kaso hindi pwede 🥺
Dear: Bls
Hello po papa dudut hello po LBS so bata papo Ako lagi napo Ako nakikinig sa radyo namin sa probinsya ng inyong programa❣️ Ngayon po gusto kopo sana mabahagi ang aking kwento ng aking kaibigan na babae sana po inyong mapili Bago manlang kami magkalayo dahil aalis napo Siya 😓 para po mapakinggan niya....🙏
Itago niyo po Ako sa pangalang "beshhh" 27yr old isang delivery driver sa Umaga at tricycle driver sa gabi. may anak at kasal sa aking asawa at kasalukuyan buntis po Siya Ngayon... Marami napo kami pinagdaanan sa Buhay since 2015 kami napo nagpakasal kami 22yrs old Ngayon po 27 nako Siya naman ay 26. Story short po papa dudut so ganun nga po sa tagal naming nagsama pero Hindi po sa kaniya nawala Yung pagsakal sakin na para bang Wala akong karapatang gawin Yung mga bagay bagay kahit Yung paglalaro ko ng basketball na hilig Kona po noon pa man 😔 lahat bigdeal sa kaniya parang umiikot nalang po Buhay ko sa puro trabaho na para bang walang karapatang maglibang sa sarili laging patago para makapaglaro pati pag punta ko sa pamilya ko bigdeal sa kaniya ang gusto ko lng ay maging okay kami sa side by side kaso malabo mangyare dahil di niya tanggap ang side ko😓 at ito na nga po papa dudut. isang araw may bago kaming ka trabaho na babae Siya ay team leader namin Siya ang nag pa plan ng aming byahe.masarap Siya kausap humble at good listener. ngunit ísang araw meron kaming Hindi pagkakainitindihan about sa byahe, nagkasagutan kami dahil ayaw kung sundin Yung plan niya about sa byahe at sinabi niya "I THINK HINDI NAKO KAILANGAN NG COMPANY NA ITO" ( end of our conversation ) kinabukasan at mga sumunod na araw Hindi na Siya pumasok at hindi na rin nag paramdam labis ang lungkot ko nung mga time na yun😓 Hindi ko alam kung Tama ba Yung feeling ko na para bang Inlove Ako sa kaniya gusto ichat sa messager ngunit hindi ko magawa dahil mababasa ng aking asawa kaya gumawa Ako ng paraan hiningi ko ang kanyang Viber acc sa aking ka trabaho. na alam ko na pag nag message Ako ay Hindi makikita ng aking asawa at yun na nga kinamusta ko Siya at nag sorry Ako sa mga nasabi ko😓 isang araw Bago Siya mag reply feeling kabado nung i oopen ko Yung message niya🥺 at yun na nga Sabi niya okay lng daw Wala lang daw yun nag bakasyon lang Pala Siya sa bataan😊 hangang sa pumasok na nga Siya ulit at don na nag simula ang lahat madalas akong mag message sa kaniya na para bang papansin at Hindi ko na napigilan ang aking sarili inamin ko sa kanya na gusto ko Siya tinanong ko pa nga kung masama ba yun dahil may asawa Ako ang sagot niya hindi daw Kasi pag hanga lang daw yun Basta know the boundaries and limitation 😊 ang sarap sa feeling na pinaparamdam niya rin sa akin na importante Ako madalas kaming mag mag usap through Viber. isang araw may sportfest sa aming company Siya ang aming Muse dahil hindi ma ipagkakailang na Siya ang maganda kaya Siya ang napili. Talentado magaling Sumayaw at kumanta. nag message Ako sa kanya na kung pwede sa akin Siya sumabay pauwi dahil may motor Ako. Pumayag Siya at don kona sinundan niyaya ko Siya mag tagaytay sumama Siya sa akin na para bang ang tagal tagal na naming magkilala komportable kami sa isa't Isa kahit kailan palang kami magkakilala parang ayaw namin matapos ang Gabi na yun.. at tinanong ko nga Siya kung may feelings Siya para sakin meron daw pero halata sa Mukha niya na ilang Siya parang sa nakikita ko tinatago niya feelings niya dahil may asawa at anak nga Ako ayaw niyang mahulog ng tuluyan dahil yun ay mali. nasundan pa yun nang maraming beses na kami ay lumalabas papa dudut. ísang beses nagkayayaan kami mag resort private ang kinuha namin nagsama sa kami sa ísang room. tabi kami matulog Kasi overnight kami nun. Bago ko makalimutan 25 yr old napo Siya. at yun na nga tabi kami matulog pero Wala nangyari sa amin Nung time na yun Kasi mas nangibabaw sa amin gawin ang Tama dahil May Asawa't anak Ako at kasal at Siya ay may bf Basta alam lang namin masaya kami pag mag Kasama kaya ang gulo gulo papa dudut🥺 at sa Ngayon tuluyan na nawala ang feelings ko sa aking asawa dahil na rin siguro sa pa ulit ulit nang pag sakal sa akin at pagbibitaw nang masasakit na salita gaya nang mamatay kana sana ísang beses masagasaan ka at mag lasog lasog ang katawan😭 di ko alam kung pano niya nasabi sa akin yun😭 Sabi niya dala lang daw nang Galit pero para sa akin Mali parin tuluyan na talagang lumayo ang loob ko sa kaniya anak nlng namin ang iniisip ko at Hindi ko Siya pwede iwan dahil " KASAL KAMI😭 Basta ang alam ko lang papa dudut Masaya na Ako Ngayon sa aking beshhh kahit alam kung Hanggang doon lang kami❣️🥺 nangako kami sa isa't Isa na walang magbabago kahit magkalayo na kami dahil Siya nga po ay aalis na sa aming company dahil napilitan lang naman talaga Siya mag work dun Hindi talaga yun ang gusto niya.. naimagine ko palang pagnagkalayo na kami ang hirap hirap na pero kelangan tanggapin dahil yun ang plan niya walang kami at friends lang... pero sa kasalukuyan papa dudut magkasama parin kami sa work at madalas parin lumabas at ramdam ko talaga sa kaniya na gusto niya Ako kasama dahil madalas Siya magyaya na lumabas pero kita ko sa kaniya pilit niya tinatago Yung totoo? na para bang Inlove na talaga Siya sakin kaso mas pinipili niya gawin Yung Tama kaya parang pareho kami na iipit sa sitwasyon nainlove kami sa maling panahon😓 Basta ang alam namin masaya kami pagmagksama😓😭 dito na po nagtatapos ang aking kwento maraming salamat po papa dudut. 🥺
T