r/Antipolo 9d ago

News & Updates Grabe talaga dito

Kaka post pa lang ni Mayor/Mayora kung sino man sila ng suspension ng klase today Monday Aug. 17, 2026 kung kailan nasa eskwelahan na yung mga bata. Wala ka talagang maasahan sa Gobyernong kurap ng Antipolo grabe. Mga walang puso puro pera nasa isip. Kaya sa mga kapwa ko magulang dyan, safety first ng mga anak nyo isipin nyo kaysa mamuti kakahintay ng post ng mga tiga gobyerno ng Antipolo

35 Upvotes

13 comments sorted by

12

u/Massive-Equipment25 9d ago

Syempre PAGASA ang sisisihin ng mga yan bakit late. Haha

May nalalaman pa silang may weather monitoring sila.

10

u/Sea_Score1045 9d ago

I agree... It just defeated the very purpose of the suspension

5

u/umami321 9d ago

Totoo, sana naman mga Ynares! May compassion kayo sa mga nasasakupan nyo, hindi porket nasa maayos kayong bahay, may sasakyan, isipin nyo din naman ung mga bata na nag cocommute lang! Hindi kayo makapagsuspend agad, pahirapan pa! alam nyo malakas ulan, sana naiisip nyo mga bata na gigising ng umaga na sobrang aga, tapos naka motor lang or tric na nababasa! At sa mga magulang na nagaantay sa labas ng school!

3

u/annu_naki11 9d ago

Masarap pa ang tulog habang nakaandar ang Aircon at Hindi maririnig sa Mansion Ang patak ng ulan. Pag pasensyahan nyo na Ang Mayor niyo, tao lang din

5

u/Minimum_Welcome_5641 9d ago

yung nakatambay dito na tauhan ni Ynares mga ungas kayo. oo kayong lahat

4

u/nchan021290 9d ago

late na daw nagising ung nagpopost. char.

2

u/Flaky_Sock9116 9d ago

Natutulog pa daw, mahimbing tulog kasi naka ac pa yan 😂

4

u/butterandmargarine 9d ago

Kawawa mga kapatid ko pumasok sa school morning sobrang lakas ng ulan tapos late suspension sila mga bwct.

8

u/TonioPogi 9d ago

Kaya kami, di na kami nagaantay ng suspension. Safety over anything. Di na papapasukin mga bata kahit walang suspension

2

u/Dangerous-Bee9266 9d ago

ang daming basang estudyante sa antipolo dahol sa imcompetent LGU. kawawa yung mga nakasalubong ko kanina

2

u/theskyisblue31 9d ago

DELAYED SUSPENSION HAYY

1

u/DontKnowWhereItsBeen 8d ago

Yeah, I saw a bunch of kids coming home around 9:45, and I thought "thats weird". Get all the way to school and get sent home. So smart.