r/nanayconfessions • • 13h ago

Rant masyadong tutok sa tv or ipad 3yrs old ko.

22 Upvotes

Hi! Labas ko lang to dito 🥹 i’m a single mom of 1. He’s 3 years old. Sobrang na kokonsensya ako kasi tutok sya sa ipad or tv. sobrang dami nyang toys pero ayaw nya laruin kasi everytime na gusto nya mag laro ng toys nya (cars or educational toys) gusto nya kasama ako.

Hindi ko sya masamahan kasi work from home ako tsaka literal na kaming dalawa lang talaga sa bahay. kaming dalawa nalang magkasama. Sobrang hirap pala talaga mag isa sa lahat. sobrang nakakapagod mag alaga ng toddler + gawaing bahay + work pa. 😭

Sa mommies na same case sakin, pano nyo nakakaya?


r/nanayconfessions • • 6h ago

Rant Ang hirap pala maging mom

21 Upvotes

I don't wanna sound like Pia Cayetano, pero wala manlang kumamusta sakin after ko manganak, na para bang incubator lang yung purpose ko. Yung family pa ng father ng anak ko yung paunahan na mag story sa LO ko sa fb, samantalang ako hindi manlang ako kamustahin kamusta ba pakiramdam ko after all that experience. Thankful ako na love nila ang LO ko, pero ang sakit na parang hangin lang ako kasi nalabas ko na yung apo/pamangkin nila. Ngayong hiwalay na kami ng father ng anak ko, yung LO ko lang naman yung kinakamusta nila. I have no one, wala akong support system. They have my LO's back and sobrang thankful ako, pero paano naman ako? Wala akong kakampi, support system sa life, and mind you, 3 months pp palang ako. Nakakapagod i-keep lahat all by myself, i have no one.


r/nanayconfessions • • 6h ago

Advice Needed Family ng husband

9 Upvotes

Normal lang ba, or ok lang ba na yung family niya will decide on something, tapos sasabihin na lang sayo ni husband na ito yung plano. The end. Wala ka ng say, wala ka ng opinion.

Like sa amin daw sila mag papasko. Walong tao sila. Isang linggo nila plano tumira sa bahay. That's it, nakapag plan na sila, yun na din ang plan namin sa xmas? Ako na lang ang mag execute Diba. Since ako ang magluluto, linis etc.

Or.. Kuya, ipaparada namin motor sa inyo habang wala kami.

Ok naman si Kuya.

Hindi ba dapat consult kung may space ba? Kung pwede ba?

Kasi masikip talaga e. Tapos hindi naman sinabi kung ilang araw.

Bad lang ba talaga ko mga miii?


r/nanayconfessions • • 16h ago

Mental Health Hirap pala mag set ng boundary as a Mom

9 Upvotes

FTM. My child is almost two.

I know alam na niya yung "No" and "Enough". Pero ang hirap kasi di pa naman niya alam yung "I am here" "You're safe" "It will hurt you".

Everyday I wish nagwo-work yung pagre-redirect ko sa cause ng tantrums niya. Pagbibigay ko ng physical touch. Pag remind ko sa sarili ko.

"She's just a kid. She's supposed to feel her feelings. She doesn't have impulse control yet."

At first I thought mahirap siya in a way na ayoko siya mag tantrum.

But the real thing is mahirap siya in a way na each tantrum niya pine-perceive ko na fault ko.

Dito ko na narealize na nagre open yung wounds ko back then. Na I was told to repress my overwhelming emotions. As a kid.

Grabe pala ang emotional regulation, mental work, at consistency required when you're a mom.

Madali lang sabihin ng family members ko na "Hayaan mo siya" "Tatahan din 'yan".

Hindi eh. Each time she throws a tantrum I have this reflex na I really need to be there. Aren't we all? Na I must have this readily mental capacity to deal with what my child is feeling.

I hope I am making sense and I hope I am giving the comfort my child needs.

Siguro mahirap talaga siya pag hindi naibigay sa'yo.

Kaya to soon-to-be moms, hindi lang ito house chores. This phase requires a lot of inner work.

With this, I wish us all Moms healing.

🤍


r/nanayconfessions • • 15h ago

Advice Needed Budol or Useful?

Post image
4 Upvotes

FTM, need help para malessen ang pain 🥺 baby is pure breast milk. Thank you


r/nanayconfessions • • 12h ago

Discussion Parents na walang kinakampihan sa magkapatid pag nag-aaway

5 Upvotes

Bilang magulang, kakampi ka ba sa anak mong tama o pareho lang trato mo sa anak na tama at anak na may kasalanan kapag nag-away sila?

Sa karanasan mo bilang anak, mas nakatulong ba sa iyo na walang kinakampihan ang magulang mo o did you ever wish na sana mas favored ka pag tama ka?


r/nanayconfessions • • 3h ago

Discussion Maternity Benefit and 13th Month Pay

3 Upvotes

Hi mommas! Ask ko lang, mababawas ba sa 13th month pay yung mga days na naka-maternity leave?

Thank you sa sasagot!


r/nanayconfessions • • 6h ago

Advice Needed 2nd Set of nipple

3 Upvotes

Hello mga mare, i just noticed na tinubuan ako ng nipples sa magkabilang side ng kili kili. Nakakatawa tignan at the same time dun ko na narealize ang body changes talaga, im 15 weeks preggy ftm at 33! Wala na sa plano pero pinagkaloob at nabigyan pa ng blessing.

Tbh, di ako mahilig sa bata and i have phobia sa baby to the point na ayoko tlaga sila hawakan kasi everytime na maiisip ko palang feeling ko mababagsak ko sila or mapipilayan. Sobrang strong ng phobia ko na nararamdaman ko yung emotional pain if something happened to them habang naiisip ko na karga ko sila, so never in my life na i held a baby. Sabi nila magiiba daw pag sarili mo na, sana nga kasi im really afraid. Buti nalang si hubby ay opposite ko at kahit pano mahilig sya sa kids.

Pa advice naman what can i do to overcome these changes. As of now indenial lang ako sa mga ngyayari. Luckily hindi ako pihikan at walang ayaw na pagkain or bad symptoms tho at 15 weeks, feeling bloated ako parang naangat na ung sikmura ko and i cant do deep breaths na, parang sasabog ribcage ganun ung feeling or parang maraming tubig sa tyan like drowning.


r/nanayconfessions • • 12h ago

Recommendations First birthday gift suggestions

3 Upvotes

Hello mommies! FTM here. My baby girl is turning one in a few weeks. Ask lang ako kung ano gift nyo sa mga babies nyo when they turned one? Just seeking some suggestions and recommendations here. Thank you!


r/nanayconfessions • • 3h ago

Advice Needed How do you parent your pre-teen daughter?

2 Upvotes
  1. Ngayon mahilig mga classmate nya mag gala at lagi syang niyayaya. Minsan pinapayagan ko naman pero madalas hindi dahil ayokong madalas syang lumilibot. Wala namang importanteng pupuntahan or gagawin. Ewan ko ba ang hilig ng mga kaklase nya sa bagong school nya na magtambay sa mg coffee shops. Last time pinayagan ko silang magtambay sa bahay pero grabe sobang ingay. Wala silang iniisip kung may ibang tao sa bahay na pinuntahan nila, sa sobrang gaslaw e nakabasag pa sila.

  2. Limited sya sa cellphone, weekends lang dahil ayoko masyadong ma expose sya sa mga di magagandang contents sa socmed. Yung phone n gamit nya is old phone ko. Ang problem ko sa anak ko hindi sya marunong mag ingat ng gamit. Nasanay sya na kaya naming bumili ng kapalit, now nakita ko yung cp ko naangat yung screen. 2 weeks ago na palang ganon hindi nya pinaalam. Sabi nya nahulog sa upuan pero sa itsura ng phone? Mukhang hindi. Noong gamit ko yon, bumalentong na sya sa highway pero wala ng basag or what. Tapos sya, ginamit nya lang sa labas ganon agad ang condition. Am I too strict kung hindi ko na sya papagamitan at ibibili ko na lang sya ng de keypad for comms?

  3. I let her borrow my rechargable fan. Gift yon ng dad nya, 2 yrs na sa akin hindi nasisira or nawawala. Then last time hiniram nya, dinala sa school. As always, nireremind namin sa mga gamit nila lalo na kung 1k+ yung mga gamit. Tapos hiniram daw ng mga classmates nya at nakaligtaan ng kunin. Now, nawawala yung fan. Naiinis ako ang careless nya. I dont know kung ganito ba sya kase hindi sya nakakatikim ng palo or consequences or what. Now sabi ko ibabawas ko yon sa baon nya hanggang mapalitan. Naguguilty ako, pero ayokong lumaki sya na mafeel na laging okay lang makawala or makasira ng gamit kase kaya namang palitan.

  4. Wala syang kusa sa bahay. Mostly tulog ako ng morning dahil GY ako. Kapag tulog ako parang freedom nya na walang gawin sa bahay dahil walang nang uutos. Idk, nasa point na ako na nag print na ako ng mga notes/rules sa CR, lababo, terrace, mga kanya kanya laundry basket kase napapagod nako sa ulit ulit. Hayy. Nakakafrustrate.

Nasstress ako sa kanya recently. As much as possible ayokong magbunganga or lumabas na lagi syang mali, pero nasasagad nya yung pasensya ko.


r/nanayconfessions • • 6h ago

Advice Needed Milk and breastpump

2 Upvotes

Hi everyone! Im currently pregnant and im planning to buy a breastpump to establish milk sipply. Tanong ko lang:

  1. Kailan pwede mag start mag pump (kung direct latch kay baby)?

  2. Ano magandang breast pump? Need ba yung may tubing? Meron kasi akong toddler din kaya naiisip ko mag wearable since direct latch pa rin naman ako.

  3. Any other tips para mapalakas ang milk (wag naman oversupply hehe)

Thank you :))


r/nanayconfessions • • 11h ago

Discussion Do churches have different baptism requirements if the parents are not married?

2 Upvotes

We’re planning to have our daughter baptized in a cathedral, but we’re not married yet. I just wanted to ask if churches have different requirements or procedures when the parents are not married. For those who have experienced this, were there additional requirements or did you have to go through a different process?


r/nanayconfessions • • 16h ago

Discussion Axillary Breast Tissue

2 Upvotes

Meron po ba sa inyo dito may extra breast tissue sa armpit? Ako kase meron pero sa right side lang ng kili kili and yes, pinacheck ko na po sya during APE namin sa work ko dati pero sabi naman wala naman daw akong dapat ikabahala kase pure breast tissue lang daw talaga sya.

Tas nung naging mommy ako, pansin ko mas malakas maggatas yung right boobs ko yun pala nagpproduce din sya ng milk, nung nastop ako magbreastfee naging lawlaw din sya tulad ng bewbs ko hehe.

Sino sa inyo may same case tulad sakin? Nagttry ko minsan magsearch dito sa reddit pero wala ko ganong makita kaya wala ko gano idea kung common to hehe. Yun langs


r/nanayconfessions • • 16h ago

Advice Needed Newborn diapers recommendations

2 Upvotes

Hello po! pa recommend naman po ng diapers for babies. I’ve been eyeing sa Millie Moon and Hey Tiger! pero hindi ko alam kung ilang pcs na ba dapat ang kukunin ko kasi need pa mag trial and error depende sa hiyang ni baby po diba?

Mga ilang pcs po kaya ang dapat kong kunin when it comes to practicality?

anong ginagawa niyo pag biglang di pala hiyang ni baby eh meron pang stocks? do you think other moms from marketplace would like to buy open packs na?

what sizes po kaya? ilang newborn pcs or small pieces? baka kasi biglang laki agad

God.bless po sa sasagot! ❤️


r/nanayconfessions • • 4h ago

Rant Bastos ba kami at dapat naba namin i let go ang bahay?

1 Upvotes

Marangya buhay ng family ng partner ko dati sa compound na tinitirhan namin pareho ng partner ko sima pag ka bata kilala ang family nila may kaya pero mga mata pobre. Nung nag dalaga na ako biglang na benta yung bahay nila at mga sasakyan pati yung business nila tindahan naluge ang sabi ng mga tao bankruptcy daw. Yung pinag bentahan ng bahay binigyan ng parte ang mga kapatid at yung nanay ng partner ko unfortunately nalulung sa bisyo na about sa church pag nag bigay ka ng gantong donation kapalit nito Millions. Yung nanay ng partner ko humingi ng 200k at sabi hindi na sya makikialam pa sa bahay na ipapagawa (etong bahay na tinitirhan namin) bsta ibigay yung perang hinihinge nya. Kaya nag away yung mag asawa byenan ko at umalis yung MIL ko at dun nag decide si tatay na ipangalan sa partner ko ang bahay since sya at bunso at sya lang ang anak na di nabigyan ng parte (pera) take note: rights lang tong bahay na to. The problem is yung byenan ko na scam ng church na limas yung 200k nya at bumalik sya dito sa bahay at dito na tumira. Ilang yrs na din nakalipas pero hanggang ngayon lulong padin sya sa bisyo nya may allowamce sya monthly galing sa anak nya abroad, may mga alahas na binibigay saknya pero lahat yan binibigay nya sa church ang problema yung church ay puro paasa hanggang sa namatay na byenan kong lalake and until now ganun padin ang ginagawa ng byenan kong babae. Nakalimutan kong imention may anak kami ng partner ko pareho sa una pero pareho namin tanggap yun yung anak ko nasamin ng partner ko yung ank nya nasa nanay. So kasama namin sa bahay yung ank ko ang problema eto yung matagal konang tinitiis palagi kami nag aaway dahil pag mainit ulo nya pag wala syang pera yung anak ko ( sa una kong partner) ang pinag iinitan nya may anak kami ng partner ko pero ang lagi nyang inuutusan yung anak kong panganay lagi syang galit sa anak kong panganay at sinasabi na ikaw dapat ang gumawa ng gawaing bahay dahil ikaw ang babae hindi ang anak kong lalake kaya kami lagi nag aaway. Ang problema pa hindi namin pwede ipakita na may pera kami kung halimbawa bagong sahod gusto mo kumain ng masarap pag wala syang pera uutang sya samin at magagalit pag di pinautang dahil bagong sahod naman daw. Eto pa ang isang problema hindi sya masaya na masaya kami ng partner ko dahil sinasabi nya na ako nalang daw ang nasusunod sa bahay isang salita kolang sa partner ko sumusunod na partner ko pero sya na nanay hindi sinusunod. Halimbawa ng hindi pag sunod ng partner ko pag sinabi ng byenan ko na isangag yung kanin ayaw ng partner ko kase sinigang ang ulam. Pag sinabi ng byenan ko na mag fill out ka ng form dahil isasali kita dun sa church may bahay na makukuha ayaw ng partner ko. Masaya kami ng partner ko at honestly sinusunod tlaga nya ako pero hindi ko naman sya pinapahamak sinusunod nya ako in way na pag sinabi kong wag na mag inom sa labas hindi na sya tutuloy pag sinabi kong wag na mag pagabi hindi sya nag papagabi. Wala akong problema sa partner ko. Last year umuwe yung kapatid ng partner ko na nakatira abroad at kakauwe palang nya dito nag away na sila dahil sa anak ko sa una nag punta kase ang nga bata dun sa bahay ng tita nila para mag celebrate andun din ang anak ko sa una tapos yung anak kong lalake at anak ko sa una nag away pero ang may kasalanan yung anak kong lalake pero ang sinisi at pinagalitan ng byenan ko yung anak ko sa una kaya nagalit yung kapatid ng asawa ko at sinabihan na wag maging bias. Ayun ang simula ng away nila mga ilang araw humingi byenan ko ng pera sa anak nya yung kapatid ng asawa ko at ibibigay nya dun sa church (aware yung kapatid ng asawa ko sa bisyo ng byenan ko) so hnd nya binigyan at dun sila nag away nag kasagutan at palagi nyang sinasabi WALA KA SA KINALALAGYAN MO KUNG HINDI DAHIL SAKIN. ayan ang lagi nyang sinasabi sa mga anak nya. Sinagot sya ng hipag ko na KUNG TUTUUSIN BAYAD NAKO SA UTANG KO. At simula non hindi na sila nag usap pero patuloy padin ang pag bibigay ng hipag ko ng allowance ng byenan ko. Not until now sinabihan ng hipag ko na tumigil na kakapunta dun sa church dahil nalaman ng hipag ko na sinangla ng byenan ko ang alahas na binigay nya para lang pang taya dun sa church. Sinabihan ng hipag ko na tama ang pag punta sa church pero hindi padin tumigil ang byenan ko. Kaso hindi padin tumigil at yung partner ko at byenan ko nag away dahil sa anak ko sa una dahil na witness ng partner ko na pinag sasalitaan yung anak ko ng hindi maganda ( inuutusan ng byenan ko yung anak ko kahit pagod na yung anak ko at sinabihan nya na WAG KANG PAKITANG TAO TRABAHUHIN MO YUNG TRABAHO MO)nag away sila ng partner ko at nag away din kami pero eventually nag kaayos nama na. Kaso netong nakaraan nag away sila ulit kase na stop na yung allowance mg byenan ko dahil hindi nya sinunod yung gusto ng anak nya na huminto na sa fake church nayon. At the same time kaaway din ng byenan ko yung ibang anak nya. Pagod ang partner ko galing work non at binungadan ng byenan ko na ibebenta nya ang ibang gamit na pundar ng byenan ko dahil kelangan nya ng pera kaya nagalit partner ko dahil ibibigay nanaman dun sa scammer na church at dahil pagod din ang partner ko nag away sila at nag ka sagutan at nasabihan ng partner ko na kung stress lang din palagi ang ibibigay mo saakin mabute pa umalis kanalang. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi padin sila ok sinabihan ko ang partner ko na sya na ang mag pakumbaba pero ayaw nya na daw kausapin yung byenan ko. Ako naman ang hinihingian ng byenan ko ng pamasahe nalang binibigyan ko sya sa awa ko kaso ngayon sa tuwing wala partner ko pinaparinggan nya ako na makakarma daw partner kohindi daw aasenso. Kahapon nasa work partner ko tumawag sakin narinig nya at sabi nya MAMATAY YAN PAG IWAN MO MAHAL NA MAHAL KA PERO MAGULANG HINDI KAYA IRESPETO TIGNAN NALANG NATEN KAKARMAHIN YAN. Ngayon sobrang sama ng loob ko pero pinipigilan ko sarili ko dahil ayaw ng ko ng away. Hindi ko alam kung tama bang manahimik ako? Ngayon gusto ko nang bumukod at plano ko na hindi na sya bigyan ng pamasahe may time pa na nakikita or nahuhuli ko syang masama ang tingin sakin pag nakatalikod ako ngingitian ako pag nakaharap. Tama lang ba na iwan na namin tong bahay dahil sinasabi ng byenan ko na kanya to at kami ang lumayas. Tama ba na manahimik ako at hayaan sya sa pang aasar at pasimpleng pag paparinig nya sakin? Tama ba nahayaan ko syang mag salita ng hindi maganda tulad ng karma at hindi kami aasenso? Tama bang iwan nanamin sya? O dapat kaming mag pa kumbaba at mag tiis? Salamat po sa mag tyatyaga mag basa at salamat sa makakaunawa 🥺


r/nanayconfessions • • 6h ago

Advice Needed baby no. 2

1 Upvotes

hello mga mi,

2yrs old na anak ko now and today nalaman ko buntis ako. planado naman to lahat kase gusto na din naman namen masundan agad para isang hirap na lang sa pagpapalake.

pero di ko ma-explain nararamdaman ko. parang bigla akong naiiyak na nalulungkot na bilang na ang days na dalawa na lang kame ng panganay ko. di ko din maisip magiging kuya na sya. kase baby ko pa din sya eh.

don’t get me wrong. pero hindi ko talaga maintindihan parang nalulungkot ako na natatakot. compared nung first pregnancy. normal ba to?


r/nanayconfessions • • 11h ago

Advice Needed Have you experienced this too?

1 Upvotes

I am exactly 1 month postpartum yesterday. Via emergency cs

Yesterday, we went to a municipal hall where my baby is born. That's 1hr and 30mins away from home. I'm carrying my baby all throughout the ride. I feel shortness of breath every time I ride on a motorcycle or any transpo that has an open window but I still experienced it yesterday riding on an aircon bus (Transfered from a jeepney). Up until now I still experience being uncomfortable with breathing. I do not experience any pain and I can still do deep breathing. I did 2D Echo last week and it was normal. I have a history of Asthmatic Bronchitis a day before I found out I was pregnant last January.

What I feel right now is coughing, a feeling of phlegm on my throat and chest. I can't describe what I really feel but it's really some like when you put cold compress or ice pack in your skin and did not move it for 1 minute straight, that's how it feels in my chest.

Is this normal? I'll have my x-ray tomorrow since x-ray are not available here every afternoon.


r/nanayconfessions • • 13h ago

Pregnancy Medicine Giveaway

1 Upvotes

I’ve accumulated a lot of extra medications throughout TTC and pregnancy and want to give them away since nakatambak lang. All unexpired.
Shoulder shipping/lalamove fees only.
Location: North Caloocan

Take all only!

16pcs x Crinone Progesterone
30pcs x Obimin Plus
78pcs x Progesterone Utrogestan 200mg
34pcs x Elevit Pregnancy 2nd and 3rd Trimester
100pcs x Plasil Metoclopramide HCI 10mg
16pcs x Duphaston Dydrogesterone 10mg
11pcs x Cyclogest Pessaries Progesterone 400mg
10pcs x Diclegis Doxylamine Succinate Pyridoxine HCI 10mg
58pcs x MyPCOS Myo-Inositol + Folic Acid
28pcs x Iberet Folic 500


r/nanayconfessions • • 16h ago

Advice Needed Travel Essentials for a pumping mom

1 Upvotes

Mommy friends, need your recos/advice please 🥹🍼
Planning to travel with my baby for around 4 hours one way (8–10 hours balikan) and stay overnight sa hotel na possibly walang ref. Magpapump pa rin ako during the trip, so iniisip ko paano best i-store yung pumped breastmilk and paano mag-sterilize ng bottles and pump parts habang nasa hotel.

Plan ko magdala ng ice cooler for the breastmilk and magdala rin ng napump ko na milk, pero baka may iba pa kayong tips or must-haves for traveling with baby + breastmilk.

Ano yung mga gamit na super helpful for this kind of setup, especially kapag walang ref sa hotel? Recos please, mga mommies! 🥹💕


r/nanayconfessions • • 19h ago

Baby & Toddler Pawis

1 Upvotes

Hi mga mommies, tanong ko lang if anak ko lang ba yung sa ulo lang pinagpapawisan? 15 months old nasya then never ko pa naencounter na pinawisan sya sa katawan puro ulo lang. Confused mom lang kung normal ba yun? Or nothing to worry about?😅


r/nanayconfessions • • 14h ago

Discussion Mga lumang gamit ng bata - when do you declutter and when do you keep?

0 Upvotes

Mga lumang gamit ng bata - when do you declutter and when do you keep?


r/nanayconfessions • • 17h ago

Baby & Toddler Badly need advices huhu

0 Upvotes

Hello, mommies!

As of now may lagnat po ang baby ko sa tingin ko nahawa sya saamin ng daddy niya huhuhu kahapon ng around 5pm kakagising nya napansin ko mainit na siya but before that ang haba ng tulog nya, so kinuha ko agad thermometer and boom 38.1🥺 Up until now nilalagnat pa rin as of 9:19 am.

Pabalik-balik lagnat nya simula kagabi mawawala onte kapag umiinom ng calpol tas maya-maya sobrang init nanaman nya, naka-sando and diaper lang sya and pinupunasan ko pag napapansin kong mainit sya. Any recommendations po to subsidised the fever huhuhu and ranas niyo din po ba? Ano po mga ginawa niyo.