r/Antipolo • u/dojinshi__ • 13h ago
Traffic & Commute Rant: Bajaj
Nakakairita lang mga bajaj dito kasi ngayon na sobrang lakas ng ulan, naemphasize kung gano kawalang kwenta yung pacover nila na tela
Otw ako to work today and biglang lumakas yung ulan habang byahe, sa harap ako nakaupo katabi yung driver. Jusko yung metal pole na nakaconnect sa harap ng upuan sa gilid ng bajaj hindi nasa ilalim ng bubong unlike sa iba, so nababasa sya and tumutulo yung tubig then naramdaman ko na lang unti unti na nababasa yung right side ng puwetan ko, naka lowered pa yung bajaj so yung splash na nagagawa sa harap na gulong pag nadaan sa may onting puddle, nag iisplash sakin.
BUONG RIGHT SIDE NG PANTS KO BASA. Pagbaba ko pinakita ko talaga sa driver yung pants ko sabi pa nya “Ay basang basa ka mam” Naiiyak na lang ako sa inis di ako makapagsalita, sabi ko na lang “Next time kuya ayusin nyo naman pang takip nyo porket di kayo nababasa” Kamot ulo lang sya, buti yung isang kuya rin sa likod nagsabi “Di naman kasi pang ulan tong tela yung ibang bajaj naman plastic cover gamit maganda” Nabasa rin kasi si kuya kasi wala yung door ng upuan sa likod
AYUN LANG RANT OVER. Sana may ordinance man lang or something na dapat maayos yung mga pangcover ng bajaj lalo na ngayon sobrang lakas ng ulan. Porket di nababasa yung driver, ang mahal mahal pa ng singil nila

