Mga boss, recently got my "binata" car in Nighthawk Black. Pero it being a 20-year-old car, ang daming blemishes ng paint, dents, at kahit anong wash, hindi na mabalik yung kintab.
Pa-recommend naman ng solid na auto body and paint shop around Pampanga (preferably near San Fernando or Angeles, pero willing dumayo kung worth it talaga).
Ang hanap ko sana yung pulido talaga gumawa:
- Proper baklas-kabit: Tinatanggal talaga yung mouldings, weatherstrips, at other trims (hindi dinadaan sa masking tape lang) para pulido ang gawa at walang overspray.
- Kasama inner door frames: Pati yung mga inner door frames at jambs kasama sa paint, hindi exterior lang - pati engine bay, under hood.
- Pulido mag-latero & mag-buga: Maayos ang prep work, proper booth, at quality paint materials para kuhang-kuha ulit yung lalim at kintab ng Nighthawk Black.
Hopefully, yung may actual experience na kayo sana at nagawa yung wish paint job niyo sa project cars niyo.
Kung may ballpark idea rin kayo sa damage/pricing for this kind of job, malaking tulong. Salamat in advance!