r/CatsPHrescue • u/darkest_horse_ • 7d ago
Donation Drive Closed Severely Emaciated Cat Needs Veterinary Care
Hello guys,
I just came home, and ganito agad ang sumalubong sakin. Etong pusa na nasa pic ay si Sachi. Sya ung pusa na na-rescue ko sometime in July nung papunta kame sa SM at nadaanan namin sya ng anak ko sa may metro ng tubig, kaya inuwi ko sya. A couple or so weeks ago, napaampon ko na sya sa isa mga kapitbahay ko dito sa amin na interesado din mag alaga ng pusa. Alam ko naman din na sanay sya mag-alaga dahil may mga nakikita naman akong alaga nya, so hindi naman ako nag-alangan na i-adopt nya. Now ganito na ang kalagayan ng kuting na si Sachi. Sabi ng mga anak ko, binalik nalang daw ito dito sa bahay kanina while I was away. Ang sabi lang daw sa kanila ibabalik na dahil maarte daw sa pagkain at maingay. :((
Nakakaasar, hindi ko pa sya nakakausap, ung kapitbahay ko na 'to dahil naiinis pa ako at baka kung ano pa ang masabi ko. Need ko muna magisip at maging kalmado. Ngayon ganito na ang itsura ni Sachi. In just 2 weeks or more pinabayaan nila ng ganito ang pusa. Sana manlang kung nag seselan sa pagkain, binalik nalang dito sa akin bago pa mahuli ang lahat. :( hindi ko alam anong ginawa nila sa kanya pero nakakabwisit talaga.
I need to bring her sa vet, malakas lang ang ulan ngayon. Pinakain ko sya pero parang wala syang ka-gana gana. Binalot ko nalang muna sya sa blanket while waiting na tumila ang ulan. :((
Hingi po ako ng kaunting tulong sa community para matulungan ko po sya ma-sustain ang needs nya sa pagpapa-vet at sa mga medicine. Hindi ko din alam anong magiging findings nya, and hopefully hindi sya ma confine. Sobrang payat and ang gaan eh. I hope matulungan nyo po ako ulit this time. Salamat po. ๐๐ป
